^

PSN Showbiz

Mga testigo magpapatunay Rosanna totoong karelasyon ang pinagbintangang magnanakaw!

- SEEN SCENE -

SEEN: Marami ang nagpapatunay na karelasyon at hindi basta bodyguard ni Rosanna Roces si SPO1 Frank Ramirez ng La Loma QC Police Station 1, ang pulis na inakusahan niya ng pagnanakaw sa motorsiklo ng kanyang anak.

Iniurong ni Rosanna ang reklamo laban kay SPO1 Frank Ramirez.

SCENE: Ipapauso ng TV5 ang Mini Serye, ang month-long drama series na magsisimula sa October 2011. 

Ang mini series na pagbibidahan ni Nora Aunor ang opening salvo ng bagong drama show ng TV5.

SEEN: Luha ng isang magulang na sobra ang pagka-miss sa nawalay na anak ang pag-iyak ni Paolo Ballesteros

Itinatago kay Paolo ng lola ng bata sa mother’s side ang kanyang anak.

SCENE: Hindi ikinagulat ng mga tao ang rebelasyon ni KC Concepcion na may pinagdaraanan ang relasyon nila ni Piolo Pascual

Sa umpisa pa lamang ng relasyon nina Piolo at KC, alam ng publiko na maraming pagdaraanan si KC.

SEEN: Isang mahusay na tattoo artist si Ronian Poe, ang anak ng dating aktres na si Anna Marin sa yumaong aktor na si Fernando Poe, Jr.

SCENE: Iyak pusa ang tawag sa pag-iyak ni Angelica Jones sa guesting niya sa Showbiz Central noong Linggo.

 Iyak pusa ang tawag sa mga pag-iyak na walang pumapatak na luha.

SEEN: Ang aburido look ni Zanjoe Marudo. Dapat dalasan ni Zanjoe ang pagngiti sa kanyang mga TV guestings upang hindi siya mapagkamalan na parang aburido sa buhay.

SCENE: Sa kawalan ng sasabihin, nang-etching si Jennylyn Mercado nang sabihin nito na cute ang itlog na gawa sa paper-maché na dala ni Milkcah Wynne Nacion, ang child star na bida sa Iglot.

Nang-etching si Jennylyn dahil hindi cute at napaka-ordinaryo ng paper-maché egg na dala ni Milkcah.

vuukle comment

ANGELICA JONES

ANNA MARIN

FERNANDO POE

FRANK RAMIREZ

IYAK

JENNYLYN MERCADO

LA LOMA

MILKCAH WYNNE NACION

MINI SERYE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with