^

PSN Showbiz

Young actor nagbabalak umatras sa ka-love team

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Madi-disappoint ang mga fans ng bagets love team na ito ’pag natuloy umatras ang young actor sa bagong soap na pagsasamahan nila ng ka-love team. May demands ang young actor na mukhang hindi handang ibigay ng network at kesa mamroblema, papalitan na lang siya sa project.

In fact, may napili na ang network na ipapalit sa balak umatras na young actor at kinausap na ang manager nito. Nakikita naming magki-click din ang bagong pareha dahil bagay sila at sana tanggapin ng mga fans at hindi sila gumaya sa ibang grupo na nagagalit ’pag pinaghihiwalay ang favorite love team nila.

Kasama sa soap ang isa pang young love team na bini-build-up ng network, kaya lang, aalisin ang magka-love team sa isang hit primetime soap para ilipat sa afternoon soap at second lead na sila.

Claudine nagbiro na babalik sa ABS-CBN

Dumiretso sa ABS-CBN branch ng Sumo Sam sina Claudine Barretto, Pauleen Luna, at Jolina Magdangal after nilang mag-promote ng Iglot sa Manny Many Prizes. Nag-treat ng dinner si Marvin Agustin na co-owner ng resto.

’Kaaliw ang palitan ng mga tweets ng apat bago dumating sa Sumo Sam, cute ang tanong ni Claudine kung babalik ba sila sa ABS-CBN? Tiyak na nagulat ang mga nakakita sa kanila na nasa compound ng dati nilang network.

’Katuwa rin si Jolina dahil labtim pa rin ang tawag kay Marvin na kahit sa Iglot ay sina Claudine at Marvin ang magkapareha at guguluhin ni Jolina.

Ali pinakikialaman ng mister sa makeup at pananamit

Kung nabigyan ng pagkakataon, gustong i-guest at pagharapin ni Ali Sotto sa Personalan sina Marian Rivera at Heart Evangelista noong may isyu sa da­lawa at sina Willie Revillame at John Estrada. Pero alam niyang malabong mangyari ’yun dahil walang ar­tis­tang papayag na magbalitaktakan on national TV.

Ilang linggo nang umeere ang Personalan sa GMA News TV, 5 p.m., Monday to Friday, at masaya si Ali dahil napapanindigan nilang walang violence sa show at sa pag-uusap tinatapos ang hidwaan ng dalawang kampong magkaaway.

For good na rito sina Ali at ang husband niya at for good na rin ang pagbabalik niya sa TV. Sumisilip-silip sa show niya ang asawa pero madalas, nagko-comment sa outfit at makeup niya. Hindi pa sinusunod ni Ali ang suggestion nito for her to show some skin dahil she doesn’t have the body to flaunt daw.

Black Eyed Peas magla-last concert na sa ’Pinas?

Tiyak na marami ang manonood sa Black Eyed Peas Live in Manila dahil sa tsikang baka last concert na ito ng hip hop group. Ayaw nang mag-perform ni Fergie dahil gusto nang magbuntis at magkaanak sila ng husband niyang si Josh Dumel.

Sa concert nila sa England, sinabi ni Fergie na “very special” ang concert nila dahil ’yun na ang last nila sa England for a long time. Nagpasalamat ito sa kanilang fans na sumuporta sa kanila mula pa sa umpisa.

Sa Oct. 25 ang concert ng Black Eyed Peas sa Mall of Asia Concert Grounds at ang unang bibili ay bibigyan ng 20 percent discount ng Futuretainment, Inc., at MMI. For more info on ticket prices and concert update, visit www.futuretainmentinc.com or www.mmilive.com.

vuukle comment

ALI

ALI SOTTO

BLACK EYED PEAS

BLACK EYED PEAS LIVE

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

CONCERT

DAHIL

SUMO SAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with