^

PSN Showbiz

Buhok ni Bea hindi na stressed

-

MANILA, Philippines - Walang dudang si Bea Alonzo ay isa sa mga natatangi at pinakamagandang aktres ngayon. Yup, siya ay halimbawa ng isang classic artist – magaling na artista at mas maganda kesa sa   karamihan. Pero hindi pala madali para sa kanya ang ginagawa. Siyempre nga naman kailangan lagi kang maganda lalo na’t andiyan parati sa tabi niya si Zanjoe Marudo.

 “Hindi biro ang maging artista,” ayon kay Bea. “Kailangan may malusog kang pangangatawan dahil hectic lagi ang schedule. At kapag nasa set naman, inaabot kami madalas ng magdamag sa shooting. Lagi kaming napupuyat.”

Kaya naman sinisigurado ni Bea na lagi siyang nakakapag-exercise at bina­bantayan ang kanyang diet. At dapat laging nasa kondisyon.

Pagdating naman sa pag-aayos ng sarili, pihikan si Bea sa pagpili ng mga produktong ginagamit niya. Gumagamit lang siya ng mga produktong subok na at mapapagkatiwalaan, partikular na sa shampoo. 

“Mapili talaga ako pagdating sa shampoo,” pag-amin ni Bea. “Nang lumabas ang Clear at nasubukan ko ito, nagustuhan ko agad dahil naging smooth, shiny at dandruff-free ang buhok ko. Taglay ng Clear ang lahat ng hinahanap ko sa shampoo,” kuwento ng aktres.

At lalo siyang na-excite nang i-launch ang New Clear for Women. “Nalaman ko na kapag healthy ang anit, healthy din ang buhok.”

Taglay daw kasi ng New Clear for Women ang makabagong siyensya sa pangangalaga ng anit at buhok. Ito ay produkto ng pananaliksik ng mga eksperto. “Marami ring pinagdadaanang stress ang buhok ko dahil sa mga styling aids. Salamat sa Clear dahil naaagapan nito ang dandruff, dryness, at falling hair,” ayon kay Bea.

 “Di ko na ngayon iniintindi ang mga hair problems lalo na laging exposed ang buhok ko sa harsh elements at polusyon. Pero ngayon, panatag na ako.”

At natutuwa rin si Bea dahil lalong gumaganda at lumulusog ang kanyang buhok sa madalas na paggamit ng New Clear.

Disiplina at dedikasyon ang talagang puhunan sa showbiz at pinatutunayan ni Bea na ‘di lamang pagkakabisa ng script at pagpapaganda ang kailangan upang magtagal at maging matagumpay sa industriyang ito. Pinangangalagaan niyang mabuti ang kanyang sarili para lalo pa niyang mapasaya ang kanyang mga fans at siguradong pati si Zanjoe na rin. 

vuukle comment

BEA

BEA ALONZO

BUHOK

NEW CLEAR

PERO

TAGLAY

ZANJOE MARUDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with