^

PSN Showbiz

Party Pilipinas SMAK (Sayaw Mo, Awit Ko)

-

MANILA, Philippines - Humanda na para makising-along at makipagsayawan ngayong Linggo sa SMAK—Sayaw Mo, Awit Ko ng Party Pilipinas.

Sa grand opening pa lang, paparada na sa sayawan at kantahan ang buong community PP.

Ilulunsad din ang Time Of My Life, ang una at bagong dance-serye ng GMA 7.

Join in the cast as they move their way to the stage in a dance fusion. Groove with Kris Bernal, Rocco Nacino, Mark Herras, Jean Garcia, Cherrie Gil, Emilio Garcia, Joshua Zamora, Ronnie Henares and Geleen Eugenio kasama ang Sayaw Pilipinas crew, Tweens and Jump-in winners.

Plus, it’s the final dance-off. Who among the dancing partners, Sef Cadayo­ na-Ruby Rodriguez and Kris Bernal-John Feir will win the ultimate Celebrity Dance Match?

Bumoto sa inyong paboritong pair this Sunday. Magpi-piyesta ang inyong mga mata sa kaseksihan nina Solenn, Lovi, Iza, Glaiza, Isabelle and Heart—sa isang sizzling dance number.

Party Pilipinas gives way to the stage comeback of an OPM artist as she joins in the line of the Party Pilipinas OPM musical ensemble. And be awed as the pride “birit” singers of Party Pilipinas belt out classic movie dance themes that will bring you back down memory lane.

The showbiz heirs are back and they will be singing their way to your hearts; catch Ynna, Ysa, Janine and Kylie. And join in the cast of Tweens led by loveteam, Julie Ann and Elmo as they showcase their singing talents, launch their album and finally, celebrate the birthdays of Barbie and Derrick.

P1B coffee scam, hihimayin ni Ted

Pumutok kamakailan ang diumano’y mga anomalya sa dating pamamahala ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR kabilang na ang paggastos raw nito ng isang bilyong piso para lang sa kape.

Mula 2001 hanggang 2010, tinatayang umabot na nga sa naturang halaga ang nagastos ng PAGCOR para sa kapeng nagmumula sa supplier na tinukoy bilang si Carlota Tan, asawa ni Johnny Tan na may-ari naman ng Clark Speedway at tumakbong second nominee sa BIDA (Batang Iwas Droga) party list.

Matatandaang ang BIDA party list ay binigyan ng milyun-milyong pondo ng PAGCOR sa ilalim ni dating Chairman Efraim Genuino bilang suporta noong 2010 halalan kung saan first nominee ang anak mismo ni Genuino na si Sheryl-Genuino See.

Ngunit ayon kay Carlota, walang nangyaring bidding nang siya’y nag-apply para makuha ang franchise ng kape sa PAGCOR dahil hindi ito kinakailangan nung panahong iyon. Tungkol naman sa umano’y mataas na presyo ng kape sa PAGCOR, pareho rin daw ang halaga ng kape na binebenta sa PAGCOR at sa labas.

Kaya rin daw “Lot Manalo” ang ginamit niyang pangalan sa pag-apply para sa business name ay dahil sa loob ng dalawampung taon na siya’y nag-nenegosyo, mas kilala siya sa ganitong pangalan at ayaw na rin daw niyang isama ang asawa niya sa isyung ito para hindi magkaroon ng bahid pulitika.

Ano ba talaga ang katotohanan sa likod ng panibagong iskandalong ito?

Tunghayan ang buong report ni Ted Failon nga­yong Sabado (July 30) sa Failon Ngayon, 4:45 p.m. pagkatapos ng ABS-CBN News and Current Affairs Special Report.

Zaijan Jaranilla bibida sa wansapanataym

Muling bibida ang Child Superstar na si Zaijan Ja­ranilla sa Wansapanataym episode na Dirty Larry ngayong Sabado.

Sa ilalim ng direksiyon ni Erick Salud, iinog ang istorya sa buhay ni Larry, isang bata na kinatamaran ang paliligo. Madalas siyang pinagsasa­bihan ng kanyang ina tungkol sa importansiya ng pagiging malinis sa katawan subalit tila manhid na si Larry.

Mababago lang ang kanyang maling habit nang pumalpak siya sa isang Science experiment. Nabuhay ang mga germs na namamahay sa balat ni Lar­ry na kalaunay aatake sa kanyang ina. Kailangan niyang iligtas ang kanyang ina sa monsters na kanyang nilikha.

Sa huli, magagapi niya ang mga kalaban at matutunan niya ang kahalagahan ng tamang hygiene.

Huwag palalampasin ang Wansapanataym nga­­yong Sabado pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN.

vuukle comment

AWIT KO

BARBIE AND DERRICK

CARLOTA TAN

CELEBRITY DANCE MATCH

CHAIRMAN EFRAIM GENUINO

CHERRIE GIL

CHILD SUPERSTAR

CLARK SPEEDWAY

PARTY PILIPINAS

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with