^

PSN Showbiz

Male singer walang planong aminin ang special project sa kanyang ilong

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Lumapit ang manager ng isang singer sa mga tauhan ng beauty clinic dahil gusto niya na makipag-ex-deal para patangusin ang ilong ng kanyang alaga.

Hindi natuloy ang ex-deal dahil lumapit sa ibang beauty clinic ang manager. Kung makikita ninyo ngayon ang male singer, matangos na matangos na ang ilong niya pero wala siyang plano na aminin ang kanyang special at secret project.

Tom big star na big star sa TI

Positive ang reviews sa Temptation Island dahil nag-enjoy nang husto ang mga tao na dumalo sa red carpet premiere ng pelikula noong Linggo.

Over acting ang trapik sa SM Megamall area dahil bukod sa premiere night ng Temptation Island, sale sa lahat ng tindahan doon.

Bukas na ang showing ng pelikula na nangangamoy blockbuster dahil sa bonggang feedback ng moviegoers.

Nagpasiklaban ang fans nina Heart Evangelista at Marian Rivera dahil nagpatalbugan sila sa pagtili sa tuwing ipinapakita sa big screen ang kanilang mga idol.

Mabuti na lang, hindi nagkapikunan at nagkapersonalan ang fans ng dalawa or else, makikipag-agawan pa sila ng space kina Heart at Marian sa mga entertainment section page.

Pare-pareho ang sinasabi ng mga nakausap ko, mas maganda ang remake ng Temptation Island kesa sa original version.

Hindi naman siguro magagalit ang yumaong direktor na si Joey Gosiengfiao, kung saan man siya naroroon, dahil siya ang creator ng pelikula. Bale tribute sa kanya ng Regal Films at GMA Films ang very funny version ngTemptation Island.

May special participation sa Temptation Island si Dennis Trillo bilang crook lover ni Marian.

Napapayag si Dennis na tanggapin ang role dahil contract star siya ng Regal Films at bilang pagmamahal niya sa GMA Films.

Maigsi man ang role ni Dennis, nagmarka sa viewers ang kanyang special participation sa pelikula.

Masuwerte rin si Tom Rodriguez dahil bidang-bida siya sa Temptation Island at nabigyan siya ng chance na magkaroon ng kissing scene kay Marian.

Take note, sina Tom at Marian ang nasa last frame ng pelikula kaya big star na big star ang dating niya. Favorite ng Entertainment press si Tom dahil magiliw siya sa mga reporter.

vuukle comment

BUKAS

DAHIL

DENNIS TRILLO

HEART EVANGELISTA

ISLAND

JOEY GOSIENGFIAO

MARIAN RIVERA

REGAL FILMS

TEMPTATION ISLAND

TOM RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with