^

PSN Showbiz

Pelikula nina KC at Sam, tahimik sa takilya?

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - Pinagdedebatehan ngayon kung magkano ba talaga ang kinita ng pelikula nina Sam Milby and KC Concepcion.

Kasi nagpasalamat si KC sa The Buzz kahapon sa mga pumila sa sinehan para sa pelikula kaso may ilang pumapalag. Bakit daw nang manood sila, wala silang nakitang pila?

Dapat sigurong maglabas ng kahit partial report man lang sa first day ng showing ng Forever and a Day. Wala kasi talagang lumabas, as in walang nag-advice from Star Cinema kung magkano ang kinita ng pelikula ng dalawang alaga ng Star Magic. Usually kasi, may figure na lumalabas kahit man lang sa isang source.

Sana nga hindi totoo ang usap-usapan na hindi pinilahan sa takilya ang pelikula. ’Pag nagkataon, second movie na ito ni KC na semplang sa takilya. 

Nauna na ang I’ll Be There na pelikula nila ng tatay niyang si Gabby Concepcion na hanggang ngayon ay nasa Amerika pa.

Si Sam naman, hindi rin bumenta sa takilya ang last indie film niyang Third World Happy

Na-link sa aktres, ang chaka

Ang chaka pala ng isang personalidad na na-link noon sa isang aktres. Kaya parang hindi nga totoo na nagkagusto sa kanya ang isang aktres na itsinismis naman ng isa pang aktres.

Bea hindi ginamit ang boses sa commercial

Hindi boses ni Bea Alonzo ang gamit niya sa commercial ng Clear. Ang layo sa boses niya eh. Kaya halatang-halata.

Ano kaya ang rason at hindi ginamit ang boses niya?

vuukle comment

BE THERE

BEA ALONZO

GABBY CONCEPCION

KAYA

SAM MILBY

SI SAM

STAR CINEMA

STAR MAGIC

THIRD WORLD HAPPY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with