^

PSN Showbiz

Reunion movie nina Sarah at Gerald, di na tuloy?

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Kamakailan ay kumalat sa twitter ang isyung may tampo diumano ang Star Cinema kay Sarah Geronimo kaya hindi na raw muling bibigyan ng proyekto ang pop princess. Wala naman daw alam si Sarah tungkol sa intrigang ito.

Hindi lamang ang mga tagahanga ng dalawa ang nalungkot kundi maging si Gerald Anderson ay apektado rin sa balitang lumabas. “Siyempre nakakalungkot din, maganda po ‘yung momentum ng first movie namin, and maganda po ‘yung friendship and chemistry namin lahat dun,” seryosong pahayag ni Gerald.

Kaagad namang nagpadala ng official statement ang Star Cinema para linawin na walang katotohanan ang isyung may tampo sila kay Sarah. “The issue pitting Star Cinema against Sarah Geronimo is not true. A new movie project for her this year is in development already and other one set for 2012.”

Agad namang kinumpirma ni Sarah ang ibinigay na pahayag ng nasabing film outfit. “Yung pelikula baka this year po may gagawin pa rin. Star Cinema-Viva, ako ay masayang-masaya po na nabibigyan ako ng pagkakataon na gumawa ng movie under Star Cinema. Kasi iba talaga ang kalidad ng movie ng Star Cinema,” nakangiting pahayag ni Sarah.

“Kapag may part two, I am more than welcome para gawin and I’m sure si Sarah din kapag our schedules allow it talagang gagawin namin,” sagot naman ni Gerald.

Bianca Gonzalez aktibo sa pagtulong sa mga bata

Noong Miyerkules ay isang charity event ang pinangunahan ni Bianca Gonzalez sa Greenbelt 5 gallery, ang Auction for Action na bagong proyekto ng UNICEF. “Ito ang first ever online auction na ginawa ng UNICEF to raise funds para dito sa Pilipinas. This is actually spearheaded by my fellow special advocate for children na si Daphne Osena Paez. Lahat ng items dito, dinonate lang ng mga local artists. It only lasts for ten days so kung gustong mag-bid ng Kapamilya dito sa Pilipinas or abroad sobrang dali lang, just visit www.ebay.ph/unicef ,” pahayag ni Bianca.

 Masaya ang dalaga dahil nakakatulong daw siya sa kapwa sa ganitong mga paraan.

Yeng constantino idinirek ang music video ni Jamie Rivera

Nakapag-shoot na ng kanyang pinakabagong music video si Jamie Rivera para sa latest single niyang Letting Go.

Sobrang tuwa ng singer dahil sa mga malalaking pangalan na bumubuo ng music video. “Kakaiba ang music video na ito kasi star studded - from the composer Gary Valenciano tapos directed by Yeng Constantino and Jeff Tan. This is the first directorial job of Yeng Constantino,” maikling pahayag ni Jamie.

Overwhelmed din daw si Yeng dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya ng inspirational diva.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

BIANCA GONZALEZ

DAPHNE OSENA PAEZ

GARY VALENCIANO

GERALD ANDERSON

JAMIE RIVERA

LETTING GO

NOONG MIYERKULES

PILIPINAS

SARAH GERONIMO

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with