^

PSN Showbiz

May tamang balita sa GMA News TV!

-

MANILA, Philippines - News with a twist ang hatid ng nag-iisang satirical news program sa primetime TV, ang May Tamang Balita, simula sa Biyernes, March 4, sa bagong GMA News TV!

Sa pangunguna ni funnyman Ramon Bautista, kasama sina Sheena Halili, Janna Dominguez, at Maey Bautista, tampok sa programa ang kakaiba at nakatatawang pagbabalita na siguradong papatok sa panlasa ng mga manonood.

Tiyak na aabangan ang mga segment at treatment nito ng mga pinakamaiinit at pinakamalalaking pangyayari sa loob at labas ng bansa. Hindi rin palalagpasin ng programa ang mga pinag-uusapang political at public figures.

Ayon kay program manager Angel Directo, isinama ng GMA News TV ang May Tamang Balita sa primetime line-up nito dahil kinikilala namin ang kahalagahan ng pagbibigay-kasiyahan sa manonood sa kabila ng mga mabibigat at seryosong kaganapan sa paligid natin.

“Maituturing din ito bilang reflection ng determinasyon ng mga Pinoy – na sa gitna man ng paghihirap ay kaya nating ngumiti at harapin ang mga darating pang pagsubok,” dagdag pa niya.

Mapapanood ang programa tuwing Bi­yernes ng gabi, simula Marso 4.

vuukle comment

ANGEL DIRECTO

AYON

BIYERNES

JANNA DOMINGUEZ

MAEY BAUTISTA

MAITUTURING

MAY TAMANG BALITA

RAMON BAUTISTA

SHEENA HALILI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with