^

PSN Showbiz

Jason Abalos bagong Bianong Bulag

-

MANILA, Philippines - Isa sa pinakamagagaling na aktor ng kanyang henerasyon, handa nang harapin ni Jason Abalos ang panibagong hamon sa kanyang career, ang pagganap bilang Bianong Bulag, mula sa koleksiyon ng Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla na nagsimula kahapon, Lunes pagkatapos ng Showtime sa ABS-CBN.

“Malaking karangalan kasi hindi naman lahat nabibigyan ng pagkakataon, masaya dahil nabibigyang buhay namin yung mga pelikula niya dati”, pagbibida ni Jason nang maibigay sa kanya ang role.

Makakasama ni Jason sa nasabing serye si Jessy Mendiola na nakilala sa karakter niya sa Sabel. “Masarap siyang katrabaho kasi hindi mabigat kaeksena. Gusto niyang matuto, masaya siya sa ginagawa niya at focus siya,” kuwento ni Jason patungkol sa dalaga.

Mula sa ilalim ng direksiyon ni Dondon Santos, ang istorya ay iikot sa pakikipagsapalaran  ni Bianong Bulag kasama ng kanyang kapatid na gagam­panan ni Joem Bascon.

vuukle comment

AGIMAT

BIANONG BULAG

DONDON SANTOS

ISA

JASON ABALOS

JESSY MENDIOLA

JOEM BASCON

MAKAKASAMA

MALAKING

MGA ALAMAT

RAMON REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with