^

PSN Showbiz

Vic Sotto pinagpipiyestahan ng mga kapitbahay ni Gwen Zamora

- Veronica R. Samio -

Nagiging tampulan ng tukso ang baguhang si Gwen Za­mora hindi lamang ng kanyang mga kasamahan sa trabaho kundi maging ng mga kapitbahay niya sa lugar na kanyang tinitirhan. Nakikita kasi siyang inihahatid ng bahay ng kanyang naging kapareha sa Si Agimat at si Enteng Kabisote, si Vic Sotto.

“Minsan lang ito. Galing kami ng SMX where we did a promotional show and since madadaanan niya sa pag-uwi ang lugar ko sa Las Piñas he offered to drop me off. ‘Yun lang, other than that we don’t see each other outside of work. It’s not true that kami na, that I cause his break up with Pia (Gua­nio),” paliwanag ng bagong Faye na may magandang role sa bagong serye ng GMA 7 where she is under contract, ang Machete, where she plays the role of an archeologist.

“Gustung-gusto ko ang role ko because para ‘yung role ni Angelina Jolie sa Tomb Raider. Favorite actress ko siya I’ve watched all her films,” dagdag pa ng aktres na extra excited sa series hindi dahil bagong trabaho niya ito kundi dahil kasama rin dito ang kanyang ama.

Isang musikero ang kanyang ama who auditioned for the role at nasuwertehan namang nakuha siya. Mag-ama rin sila sa series. Sinabi niya na walang palakasang nangyari sa pagkakakuha sa kanyang ama. Dumaan din ito sa pagsubok na katulad ng iba bago niya nakuha ang role.

Traffic enforcer binigyan ng P10k matapos sitahin si mayor

Ngayon siguro mas marami pa ang mabibigyan ng inspirasyon na gampa­nang mabuti ang kanilang trabaho matapos na mabigyan ng incentive na P10,000 ang traffic enforcer na si Sol Batilla nang sitahin niya ang SUV na sinasakyan ng mayor pala ng Quezon City na si Herbert Bautista.

Humabol sa red light ang sasakyan ng mayor sa kanto ng Kamuning at Edsa at kahit na sinabi sa kanya ng driver kung sino ang sakay nito. Nagulat na lamang siya (traffic enforcer) nang makaraan ang ilang araw ay ipatawag siya sa opisina ng mayor. Akala niya ay pagagalitan siya. ‘Yun pala, tatanggap siya ng bonus, sa pagiging isang mahusay na kawani ng gob­yerno at huwaran sa kanyang trabaho.

Bukod sa natanggap niyang bonus nabigyan pa siya ng promosyon, tumaas ang kanyang ranggo.

Coco at Andi susubukan

Mukhang wagi si Matteo Guidicelli kay Maja Salvador.

Sinasabing hindi lamang sa­­­­­mahan sa trabaho ang nadi-de­­velop sa dalawa kundi isang re­lasyon na mas malalim at ma­susubok ng panahon. Pareho na­mang libre ang dalawa. Walang nababalitang seryosong re­­lasyon si Maja bagaman at na-link sila ni Sam Milby habang gi­na­gawa nila ang Impostor. Bago si Maja ay sinasabing interesado ang car racer kay Sarah Geronimo na wala rin namang pinatunguhan.

Sa Minsan Lang Kitang Iibigin, ang isang pa­reha rito na aabangan ay ‘yung kina Coco Mar­tin at Andi Eigenmann. First team up ito ng da­lawa at susubukan kung may chemistry din sina Coco at Andi na magpapakilig sa manonood, sapat para sundan nila ang serye hanggang sa katapusan nito.

Matatandaan na maganda ang naging chemistry ni Coco kay Jessy Mendiola nang magkasama sila sa isa pa ring serye. Marami ang na-excite sa kanila pero sa halip na sundan ito, nag-eksperimento ang network at sinubok itambal si Jessy sa mga bagong leading men sa Sabel.

Romantic episode

Mukhang romantic ang episode ngayong ha­pon ng Showbiz Central. Mga loveteam in reel and real life ang featured. Like Dennis Trillo and Jen­nylyn Mercado, Heart Evangelista & Daniel Matsunaga. At maski na ‘yung pinakukulong Elmo Magalona at Julie Ann San Jose on screen ay aanalisahin. Posible kaya rin sila off screen?

Si Kylie Padilla ano ang plano sa kanya ng GMA7? Gagawin ba siyang big star? At si Kylie mis­mo, is she in competition with her sister, Queenie?

vuukle comment

ANDI

ANDI EIGENMANN

ANGELINA JOLIE

COCO MAR

DANIEL MATSUNAGA

ELMO MAGALONA

ENTENG KABISOTE

GWEN ZA

KANYANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with