^

PSN Showbiz

Ogie at Dennis magiging bakla ngayong 2011

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Unang bumalik sa trabaho si Ogie Alcasid after ng kasal nila ni Regine Velasquez dahil last Sunday ay nasa Party Pilipinas na siya, samantalang ang ‘wifey’ niya (tawag) niya kay Songbird, sa January 10 pa magre-resume ng ta­p­ing ng I Heart U Pare at wala pang balita kung kailan babalik sa PP.

Kahapon, nakipag-meeting na si Leo Domiguez, manager ni Ogie kay Mother Lily Monteverde para pag-usapan ang shooting ng Mahin­hin vs. Mahinhin, his first movie for 2011 kasama si Dennis Trillo at pareho silang gaganap na bading.

Magsasama rin sila ni Pops Fernandez sa pre-Valentine concert billed I Valentine U produced ng Royale Artists Management ni Annabelle Rama at tinupad nito ang ipinangakong bibigyan ng solo presscon si Ogie. Double special ang concert dahil guest si Regine Velasquez-Alcasid at sina Bea Tantoco, iCandy, at Solenn Heussaff.

Marami pang ibang projects na gagawin this year si Ogie, pero nasa plano pa rin nila ni Regine ang kanilang honeymoon.

Sa Italy gustong pumunta ng mag-asawa sa summer and by that time, natapos na siguro nila ang kanilang mga commitment.

albert nakakuha ng kakampi

May nag-forward sa amin ng text ni direk Joel Lama­ngan kay Albert Martinez at heto ang message: “Hi! Albert this is Joel Lamangan I just would like to congratulate you on your wonderful film. I like the film, all the negative things they say is not true! You and Jennylyn (Mercado) did a wonderful job! Again my congratulations.”

Bukod sa pagti-text, nalaman naming tinawagan din ni direk Joel si Albert at maraming napag-usapan ang dalawa at na-appreciate ni Albert ang comment at gesture ni direk Joel at iba pang taga-industriya na naniniwala sa kanya. Nanahimik ang actor sa isyu at ang mga anak nito ang nag-react para sa kanya.

 Samantala, gustong ipaalam ni Albert na wala siyang Twitter account at wala rin siyang kahit isa sa five Facebook accounts na nakapangalan sa kanya.

TV5 hindi na interesado sa aktres na pabagu-bago ang isip

Hindi na interesado ang TV5 sa isang aktres na urung-sulong kung lilipat sa istasyon o hindi. Nadala na raw ang TV5 sa pabagu-bago ng isip ng aktres dahil noong una, inaayos na ang lahat sa paglipat niya at isang sitcom at drama ang agad ibibigay sa kanya at may mga kasunod pa siyang projects.

Nakipag-usap na ang aktres at manager niya sa mga taga-TV5 at aprubado ang hininging talent fee. Bigla na lang nagpa­sabi itong hindi maiiwan ang home studio at maganda ang show na ibinigay sa kanya.

Hindi na namin idedetalye, pero may nangyari at muling nagpaparamdam ang aktres at manager nito na gusto ng aktres na magtrabaho sa TV5. Paano ‘yan at ayaw na siyang paniwalaan ng mga taga-TV5? Kailangan niya ng panibagong negosasyon, pero paano kung sa gitna ng negosasyon ay bigyan siya ng panibagong project ng kanyang home studio?

Kung napapanood man ang aktres sa TV5, guesting stint lang daw ito dahil sa ngayon, wala pang balak ang TV5 na operan siya ng kontrata kahit non-exclusive.

Nakita na si Bantatay

Sa Bantatay, nakita ni Bantatay si Marcella (Gelli de Belen), pero hindi nalapitan dahil agad inilayo ni Simon (Gary Estrada). Dahil sa paghaharap nina Norbert (Carl Guevarra) at Calvin (Prince Stefan), nalaman ng mga bata kung saan sa Subic tumuloy sina Simon.

vuukle comment

AKTRES

ALBERT MARTINEZ

ANNABELLE RAMA

BANTATAY

BEA TANTOCO

CARL GUEVARRA

GARY ESTRADA

OGIE

TV5

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with