^

PSN Showbiz

Pirma ni Willie Revillame peke?

-

MANILA, Philippines – Naghain ng motion ang mga abogado ng ABS-CBN ngayong araw sa Quezon City Regional Trial Court para sa agarang pag-resolba ng hiling nito na i-inhibit ni Judge Luisito Cortez ang sarili sa paglilitis ng kaso sa pagitan ng network at ni Willie Revillame, base sa mga nakalap na dokumento mula sa Korte.

Matatandaan na nagsimula ang laban sa korte ng dalawang panig nang lumipat ang TV host sa ABC TV5 at nagsampa ng kaso laban sa ABS-CBN para mapawalang-bisa ang kontrata niya rito bilang talent.

Nakasaad sa complaint ng ABS-CBN ang ilang kuwestyonableng order at resolution na ibinaba ni Cortez. Binanggit din ang diumano’y ugnayan ng may-bahay ni Judge Cortez na si Atty. Angelita Ortega Cortez kay ABC 5 President Ray Espinosa, na possibleng nakaapekto raw sa mga naging desisyon ng hukom sa kaso. Dating magkasama sa trabaho sa isang law firm sina Ginang Cortez at Espinosa kung saan sila ay nagkaroon diumano ng “close professional and personal relationship.”

Ayon sa pahayag ng mga abogado ng ABS-CBN sa nasabing motion, ang ugnayan daw na ito ay posibleng nakaimpluwensiya sa mga naging desisyon ng korte, na pumabor kay Revillame.  Kaya naman, hinihiling nila na bitawan ni Judge Cortez ang kaso dahil na rin sa conflict of interest mula sa nadiskubreng tinagong koneksiyon.

Maaalalang hindi tinanggap ni Judge Cortez ang aplikasyon ng temporary restraining order (TRO) ng ABS-CBN noon para ipagbawal ang aktor na magtrabaho sa ABC TV5, at pinagbayad na lang si Revillame ng P426 million bond bilang sagot sa damages na hinihingi ng ABS-CBN dahil sa kanyang paglabag sa kontrata.

Ayon sa ABS-CBN, hindi man lang sila binigyan ni Judge Cortez ng pagkakataon na magpasa ng application of injunctive relief matapos ibaba ang hatol laban sa TRO, na nagbigay naman ng “relief” sa ABC 5 at kay Revillame.

Inakusahan din ng mga abogado ng ABS-CBN si Judge Cortez ng “bias and partiality” matapos nitong aprubahan ang P426 million bond na isinumite ni Revillame kung saan makikita ang forged o pekeng pirma ng aktor. Para patuna­yan ito, nagpasa ang ABS-CBN ng dokumento sa Korte kung saan makikita na ang pirma ni Revillame sa bond ay malayo sa pirma niya sa mga naunang papeles na isinumite sa Korte.

Ayon sa ABS-CBN, ang pagsumite ng bond na mayroong forged signature ay “perjury” o pagsisinungaling sa Korte at pamemeke ng komersiyal na dokumento. Kapag napatunayan ang forgery, ma­aa­ring humarap si Revillame sa kasong kriminal kung saan pupuwede siyang mahatulan ng hanggang 12 taon sa loob ng kulungan. Hiwalay pa ito sa mga kasong kinakaharap ngayon ng TV host simula nang lumipat siya sa ibang istasyon at binitbit ang hit show ng ABS-CBN na dati niyang kinabibilangan.

Sarah walang planong patulan si Cristine

Ang cheap ng pang-aaway ni Cristine Reyes kay Sarah Geronimo dahil lang sa boyfriend niyang si Rayver Cruz.

Tama ang desisyon ng kampo ni Sarah na ‘wag patulan ang issue dahil mas magiging cheap pati ang pop princess kung lelebel siya sa ganitong issue.

Mismong si Mr. Vic del Rosario ng Viva Group of Companies ang nagsabi na ‘wag nang palakihin ang issue.

Mas abala raw si Sarah sa shooting ng pelikula nito with Gerald Anderson na nagsimula na kaha­pon at sa Valentine concert ng pop princess with Mar­tin Nievera sa Araneta Coliseum on February 12.

Kung sabagay hindi na ito nakakataka kay Cristine. Kilala naman siyang ‘matapang.’ Saka hindi na lang si Sarah ang kaaway niya ngayon, pati ang buong bayan imbiyerna sa kanya.

Nag-uunahan ang fans ni Sarah sa pagtatanggol sa kanya. Pero hindi sila nang-aaway. Heto ang isa : “I was able to analyze the comments of Sarah na “Pag magagaling sumayaw ay habulin ng mga seksing babae” habang kausap si John Prats. Likewise I read also all the tweets of Cristine obviously she’s referring to Sarah G.

“Pero my analysis ay wala naman masama dun sa sinabi ni Sarah dahil si John Prats naman kausap niya at nagbibiruan sila. Knowing John Prats ay magaling na dancer kaya niya nasabi ‘yun. And also walang confirmation na may pinaparinggan siya.

“Masyado lang assuming si Cristine. Masyado lang conceited na sexy siya. Na feeling niya ay siya lang ang nag-iisang sexy sa mundo. Eh ang tingin ko ay ‘di na sexy si Cristine. Ilan na ba ang naging boyfriend niya - Mark, Dennis, Willie, John Lloyd, at lastly nga kay Rayver na madalas niyang kasama sa condo unit niya sa Katipunan. So bakit siya papatulan ni Sarah?

“Wag masyadong assuming si Cristine. Mara­ming sexy sa mundo.”

May punto nga naman. Bakit naman siya mang-aaway ng ganun na lang? (SVA)

vuukle comment

ABS

CBN

CORTEZ

CRISTINE

JUDGE CORTEZ

KORTE

REVILLAME

SARAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with