^

PSN Showbiz

Juliana Palermo umamin, apat na buwang buntis!

- TALONG ANONYMOUS -

TRUE : Kinumpirma ni Juliana Palermo sa Tweetbiz na mag-aapat na buwan na siyang buntis.

Nasa Hongkong ang dating sexy actress at na-interview ito ng Tweetbiz via skype, at masaya siyang ibinalitang nagpa-ultrasound na raw siya at nalaman nitong baby boy ang dinadala niya.

Ang New Zealander boyfriend niya ang nakabuntis sa kanya at pinag-iisipan pa raw niya kung sa Hongkong o sa New Zealand siya manganganak.

Nilinaw din nito ang isyung ayaw daw panagutan ng boyfriend niya ang ipinagbubuntis niya. Nagkaroon lang daw sila ng pagtatalo dahil gusto na raw nitong magpakasal, pero ayaw pa raw ni Juliana. Ang gusto lang daw niya sa ngayon ay magkaroon ng baby.

TANONG : Sa Linggo na nga ba ang binyag ng Baby Lucho nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos?

Hindi kami sinagot ni Mommy Carol nang tanu­ngin namin tungkol sa date ng binyag pero ngayong buwan nga raw ang binyag pero wala pa raw sinasabi sa kanila ng eksaktong date.

Hindi na raw niya pinilit sina Juday kung kailan nga ito basta binakante na raw nilang buong buwan ng November.

Natutuwa lang daw siya sa kanyang anak dahil talagang feel na feel nito ang pagiging nanay lalo na raw pag nagpapa-breast feed ito.

“Nakahalukipkip lagi sa kanya ang anak niya, hindi mo sila mapaghiwalay! Nakakaloka!” sey sa amin ni Mommy Carol.

Tiyak daw kasing very private ang binyagan kaya sinabihan na kaming hintayin na lang ang kuwento niya pagkatapos ng binyag.

TOTOO KAYANG pamamanhikan na sa pamilya ni Heart Evangelista ang pakay ng pagpunta rito ng buong pamilya ni Daniel Matsunaga?

Mariin itong itinanggi ni Heart dahil matagal na raw talagang nakaplano ang pagpunta rito ng pamilya ni Daniel para magbakasyon at kumustahin naman dito ang guwapong Brapanese model/actor.

Tuwang-tuwa si Heart sa pagkukuwento na sobrang bait daw ng pamilya ni Daniel. Naunang dumating dito ang Mommy ni Daniel kasama ang auntie nito at susunod daw ang ama nito at ang bunsong kapatid na lalaki.

Kahit medyo hirap daw silang magkaintindihan, nage-enjoy pa rin si Heart sa pamilya ni Daniel dahil napakababait daw at wala raw siyang masasabi pa.

Nag-host na raw ng dinner ang pamilya ni Daniel para kay Heart at ang susunod naman ay sina Heart ang maghu-host ng dinner para sa kanila.

TSIKA LANG : Puring-puri ng mga staff ng Love ni Mister, Love ni Misis ang baguhang sexy Kapuso talent na si Ellen Adarna dahil alam naman nilang galing ito sa mayamang pamilya at seksi-seksihan naman siya pero wala raw itong karate-arte sa katawan.

Nang minsang mag-guest ito sa naturang morning show, meron silang game na kung saan ka-partner nito si Princess Snell at merong challenges na pinagawa sa kanila.

Ang isang challenge ay pinakain sila ng mata ng baka at mananalo ang unang makakaubos.

Wala raw pakialam si Ellen na nilantakan ang mata ng baka kahit nakakadiri ang lasa nito. Samantalang si Princess ay pagkatapos daw nitong isubo, bigla niyang iniluluwa. At pati raw ang iniluwa ni Princess ay kinain pa ni Ellen para manalo lang sila.

Naloka nga raw ang mga staff at puring-uri nila si Ellen dahil ang buong akala nila, mag-iinarte ito pero wala siyang ganung ere at ginagawa ang lahat.

vuukle comment

ANG NEW ZEALANDER

BABY LUCHO

DANIEL MATSUNAGA

DAW

ELLEN ADARNA

HEART EVANGELISTA

JUDY ANN SANTOS

JULIANA PALERMO

NIYA

RAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with