^

PSN Showbiz

Life and Style may Halloween special

-

MANILA, Philippines - Isang espesyal na pagtatanghal para sa Halloween ang handog ng Life and Style with Ricky Reyes ngayong Linggo ng umaga alas-diyes hanggang alas onse sa Q Channel 11.

Dadalhin tayo ni Mader Ricky sa Aklan para madalaw natin ang Icamina Mansion na tirahan ng isang White Lady at isang white house na tuluyan naman ng isang kinatatakutang Kapre.

Marami namang ikukuwento ang faith healer na si Mang Ponso na karanasan ng kanyang mga customer tungkol sa mga paranormal at super natural. Ilalahad ng mga embalsamador na sina Ester Tapeles at Art Dulce ang kanilang makapanindig-balahibong karanasan sa pag-aayos ng mga bangkay.

“Papasyalan din natin ang isang haunted house sa Antipolo na diumano’y maraming multo na ang nakita ng mga ghost-hunter na nagpupunta roon,” sabi ni Mader Ricky.

Mapapanood din kung paano ino-observe ng mga Pinoy sa iba’t ibang dako ng bansa ang Undas. At kung may dadaluhan kayong Halloween party, tutok lang sa Great Hair Day kung saan magtatanghal ang premyadong hairdresser-cosmetologist na si Peping de Guzman ng isang scare make-up session na maaari ninyong tularan.

Huwag kaligtaang panoorin ang LSWGRR tuwing Linggo sa mga napapanahong kuwento.

vuukle comment

ART DULCE

ESTER TAPELES

GREAT HAIR

ICAMINA MANSION

LIFE AND STYLE

LINGGO

MADER RICKY

MANG PONSO

Q CHANNEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with