^

PSN Showbiz

John Lloyd tinuldukan na ang isyu kay Ruffa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Hindi pa rin talaga mawala-wala ang isyu tungkol sa naging relasyon nina Ruffa Gutierrez at John Lloyd Cruz. Kamakailan ay naglabasan ang balitang may komunikasyon pa rin ang dalawa kahit makasin­tahan na sina John Lloyd at Shaina Magdayao.

Noong Huwebes ay nagdesisyong lumabas at magsalita na ng aktor para ta­pusin ang issues involving him to Ruffa.

“When I was asked before about it, if I was still in communication with Ruffa, parang hindi ko madiretso kasi hindi siya ganoon kadaling tanong na sagutin. It’s not communication like kung paano siya ini-in­sinuate ng mga tao, ng ilang members ng press ’di ba? It’s com­munication na may effort na to address some issues na involved kami pareho.

“Because as you know it, madalas na may pagkakataon na sasabihin nili-link pa rin kami, and may maririnig ka or may maririnig ako na may sinabi ako, may sinabi siya, so anong dapat mong gawin kapag gano’n? So sa amin, for two people na who used to be together, it’s just normal na pag-usapan n’yong kayo mismo kung ano ba talaga ’yung lumalabas na issues na sinabi ko or sinabi mo, gano’n lang kasimple ’yun,” seryosong pahayag ni John Lloyd.

Idiniin din niya na wala siyang balak na magtago o pasinungalingan ang isyu.

“I mean siguro ’yung pagkakataon kung kailan naitatanong siya o kailan dapat sagutin, doon lang nagkakaroon ng pagkakaiba eh, pero what I’m saying now. Ito ’yung dapat kong sabihin, ito’yung gusto kong sabihin,” dagdag pa ni Lloydie.

May isang hakbang si John Lloyd na gagawin para matapos na ang isyu tungkol sa kanila ni Ruffa. “Siguro it’s time for me to stay away muna, siguro para alam din nila. It’s time for me to stay away from her para matapos na, na out of my respect for her and for my family, ganoon na lang,” sagot nito.

Ngayon ay nananatiling matibay ang relasyon nina Shaina at John Lloyd sa kabila ng lahat ng intrigang pinagdadaanan nilang dalawa.

“Gusto ko lang, for Shaina, kung paano siya naging supportive and mature and kasama ko through all these. Parang now is a good time para ma-appreciate siya. I just wanna tell her na I really love her and for her patience and understanding and it makes me wanna love her more and sana maging maayos lahat because I love the life that we have together and I can’t let anyone or anything take that away from me,” diretsong pagtatapos ni John Lloyd.

Sa huling panayam naman ni Ruffa ay seryoso nitong sinabi na tigilan na ang issue sa kanila ni John Lloyd, bahagya rin kasing umalma ang beauty queen-TV host-actress kay John Lloyd sa mga pinaggagawa ng aktor. Sana naman ay maging maayos na ang lahat ng naging gusot sa pagitan ng dalawa.

REGINE PINAGSAMANTALAHAN SI CHRISTIAN

Isang de-kalibreng pelikula na naman ang ginagawa ngayon ni Direk Dante Garcia o mas kilala sa tawag na “Ga” o Direk Ga. Ploning ang huling pelikula na ginawa ng direktor, umani ito ng parangal at papuri dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.

Ngayon ay isang pelikula na naman ang ginagawa ni Ga, ang Mrs. Recto. Pinagbibidahan ito nina Regine Velasquez at Christian Bautista. Ipakikita rito kung ano ang buhay mayroon sa makasaysayang lugar ng Recto, Manila.

Isa sa mga aabangan sa pelikula ay ang kissing scene nina Regine at Christian. “Abangan n’yo ang kissing scene namin ni Christian, magaling siya dito, pinagsamantalahan ko siya,” pabirong pahayag ni Regine.

— Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

CHRISTIAN BAUTISTA

DIREK DANTE GARCIA

DIREK GA

JOHN

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

LLOYD

RUFFA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with