^

PSN Showbiz

Pacman at Piolo magpapagalingan sa pagtakbo

-

MANILA, Philippines - Kahit abala sa training, sasabak pa rin si boxing king at Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa tak­bu­han kasama ang aktor na si Piolo Pascual, ABS-CBN senior sports correspondent Dyan Cas­tillejo at 120,000 pang Pilipino at ilang artista ng ABS-CBN sa 10.10.10 A Run for the Pasig River ng Kapit Bi­sig Pa­ra Sa Ilog Pasig (KBPIP) ngayong Linggo (Oct 10).

Bilang pagpapakita ng kanyang suporta sa pagli­linis ng Ilog Pasig, magho-host si Pacquiao ng prog­rama bago magsimula ang fun run sa 10k star­ting line sa Ayala Ave. kasama si Dyan at Piolo. Tatak­bo rin sila sa 10k race.

Si Pokwang ng Pilipinas Win na Win at Winnie Cordero ng Umagang Kay Ganda naman ang gigi­sing sa mga mananakbo sa 3k starting line sa SM Mall of Asia grounds, samantalang sina ABS-CBN Foun­dation managing director Gina Lopez ang host ng pre-race program para sa 5k race sa CCP complex at si Bro. Mike Velarde ang sa invocation. Kasama rin sa tatakbo ang award-winning direc­tor na si Brillante Ma. Mendoza sa pagtakbo sa 5k race.

Kabilang din sa tatakbo si ABS-CBN Chairman Eugenio Lopez III sa nasa­bing fun run na layuning imulat ang mga tao sa kalaga­yan ng Pasig River at ku­malap ng pondo para linisin ito, par­tikular ang Estero de San Mi­guel, na du­madaloy sa ilog. Si dating Pangulong Fidel V. Ra­mos naman ang magpapa­putok ng baril para opisyal na simulan ang fun run.

Kung makamit ng 10.10.10 A Run for the Pasig River ang 120,000 target na ma­na­nakbo, makukuha rin ng Pilipinas ang Guin­ness World Record para sa pinaka­maraming kalahok sa isang footrace sa mundo.

Matapos ang takbuhan, magkakaroon pa ng program sa SM MOA tampok sina Rhap Salazar, Luis Manzano, Jovit Bal­divino, Karylle, Melai Cantiveros at Jason Fran­cisco, at ang mga Studio 23 hosts na sina Juddah Paolo, Aaron Atayde at Angel Aquino.

Noong 2009, sinimulan ang paghakot ng basura sa Estero de Paco, at ang paglilipat ng mga naninirahan sa tabi nito sa Calauan, Laguna kung saan binigyan ang mga residente ng tirahan at mapagkakakitaan.

Panoorin ang live telecast ng 10.10.10 A Run for the Pasig River sa Studio 23 mula 5:00 a.m. hanggang 8:00 a.m. sa Linggo (Oct 10).

Eugene may bagong goons

Hindi pa rin papayagan ni Dindo si Gigi na lumabas ng bahay kahit na mag-emote at magwala pa si Gigi. Gusto lang ni Dindo na maging ligtas ang buhay ni Gigi. Pero gagawa pa rin ng paraan si Gigi na makatakas. Manood siya ng concert ni April Boy kahit na ano pang mangyari.

Tutulungan naman ni Winston si Gigi na makabili ng tickets kaya lalong magseselos si Bunny. Ang hindi alam ni Bunny, gusto lang mabuking ni Winston ang totoong pagkatao ni Gigi.

Malulungkot naman si Lando dahil magre-recruit na ng bagong goons si Lady Gangsta. Pero itutuloy niya pa rin ang pakikipag-date niya kay Yasmin. Confident si Lando na siya pa rin ang makakahuli ng star witness para kay Lady Gangsta.

Maha-heartbroken naman si G-Boy dahil kaibigan lang pala ang tingin sa kanya ni Angel.

Magkakagulatan naman sina Gigi at Dindo sa concert ni April Boy. Pareho pala silang big fan nito! At kakantahan pa sila ni April Boy kaya madadala sila ng kanilang mga emosyon.

Bigla na lang magigising si Gigi na nakahubad at katabi niya pa si Dindo.

OMG! May nangyari na nga ba talaga kina Gigi at Dindo?! Tuluyan na ba silang mai-in love sa isa’t isa?

‘Yan ang dapat abangan ngayong gabi sa Jejemom na bida si Eugene Domingo.

vuukle comment

A RUN

APRIL BOY

DINDO

GIGI

LADY GANGSTA

LEFT

PASIG RIVER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with