^

PSN Showbiz

Walang trabaho sa 'Pinas, Francine sa Indonesia gagawa ng pelikula

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Aware na rin siguro na hindi lamang sa kasikatan kundi maging sa kagalingan ni Charice ang mga Amerikano dahil ginagamit na nila itong pang-pro­mo sa second season ng musical series ka­sa­ma ang star ng series na si Lea Michelle.

Sa promotional video ng Glee ay makikitang nag­papa­ga­lingang kumanta ang dalawang kaba­ta­ang singer sa bathroom ng kantang Telephone ni Lady Gaga. Pinatigil lamang ang mis­tulang show­down nila ng character na ginagampanan na­man ni Jane Lynch.

Congratulations Charice talagang pinahahanga mo kaming mga kababayan mo sa maganda mong kapalaran diyan sa iba­yong dagat.

* * *

Mukha namang tama ang pasya ni Lovi Poe na huwag nang sagutin pa ang pangungulit ng press sa totoong relasyon nila ni Cong. Ronald Sing­son, bukod sa nababawasan ang intriga sa kanilang dalawa, tila hindi naman nakakaapekto sa career niya ang kung anumang relasyon meron sila ng kongresista. In fact mas dumarami ang trabaho niya na siguro ay nagiging dahilan para mabawasan ang kalungkutan niya sa sinapit ng ‘kaibigan’ niya.

Sa kabila naman ng kaabalahan niya, nagagawa niyang da­lawin ito at kahit mahirapan siyang magpa­balik-balik ng Hong Kong okay lang basta maipakita niya ang suporta niya rito.

* * *

Hindi lamang pala si Christian Bautista ang magkakaroon ng project sa Indonesia kundi maging si Francine Prieto.

Kung si Christian ay isang teleserye ang gagawin dun, pelikula naman ang sa kanya, isang horror. Sequel ito ng isang big hit movie dun at first time na kukuha   ng isang Pinay para makasama sa movie.

It seems nagkakaroon na sila ng tiwala sa kakayahan ng mga Pi­lipino hindi lang sa pagkanta kundi maging sa pag-arte.

Malaking pagkakataon ito para sa mga local artist natin na ma­­kilala sa labas ng bansa. Sino ang makapagsasabi, baka ito ang magsimula ng trend ng pagpapalitan ng mga talents sa bansa natin at sa ibang bansa sa Asya.

Madali namang matuto ng ibang lengwahe ang mga Pinoy na tulad din ng mga artista sa ibang countries na magaling nang mag-Tagalog, like Carmen Soo ng Malaysia, o si Daiana Me­ne­ses ng Brazil at iba pa.

vuukle comment

CARMEN SOO

CHRISTIAN BAUTISTA

CONGRATULATIONS CHARICE

DAIANA ME

FRANCINE PRIETO

HONG KONG

LEFT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with