^

PSN Showbiz

Jennica mas conservative sa nanay

- Veronica R. Samio -

Ito ang mahirap sa mga batang nag-iibigan, dahil nga kabataan pa, naroon ang panganib na mag­bago ang isip at damdamin, lalo’t sa tulad nina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco na may umi­ikot na balitang not everything in their relationship is well and good. Kahit gaano pa i-deny ni Jean Garcia, sinasabing hindi siya 100% boto sa boy­friend ng kanyang anak.

Sinabi ni Carl Guevara na slowly he’s falling for Jennica. Lalo’t madalas silang magkasama nga­yon dahil nasa cast sila ng bagong dramedy series ng GMA 7 ang Jejemom, na nagtatampok uli kay Eugene Domingo. Bakit na naman? Because Uge, as she is fondly called by everybody in showbiz, is obviously becoming to be a favorite Kapuso. Ang dami-dami niyang proyekto, hindi naman sa nagrereklamo ako dahil kung ’yung may katawan ay nagagawang mag-adjust ng sked para ma-accommodate ang mga trabaho niya, sino ako para tumutol? Besides, talaga namang magaling siya, at panahon niya ngayon.

Going back to Carl and Jennica, ayan na-sidetrack tuloy ako, inamin nitong comfortable siyang makasama si Jennica. He brings out the best in him. Sa lahat tameme at tahimik siya, but with her, nagiging madaldal siya at lumabas ang tunay na ugaling magulo at makulit din.

When asked kung may pag-asa ba si Carl kung sa­kaling ligawan siya nito, sagot nito, “Lahat naman may pag-asa basta bibig­yan lang nila ng pag­pa­pahalaga, hindi lamang ako kundi lalo na ang pamilya ko.”

With these words dapat na nga sigurong ma-threaten si Alwyn dahil wala itong problema sa pamilya. Dahil siguro hindi siya manliligaw ng dalaga (hindi pa!) kung kaya parehas pa rin ang trato nila sa kanya, parang kaibigan at ka­trabaho pa lang. Baka kung manligaw siya ay maiba, hindi na siguro sila magiging masyadong open sa kanya dahil baka isipin niyang pinapaboran nila siya.

Partners ang dalawa sa Jejemom, si Jennica bilang maarteng kapatid ni Eugene, problematic ang lovelife dahil masyadong selosa. Si Carl naman ang mahilig magnegosyong boyfriend niya, bukod sa pagiging isang barangay tanod ay may-ari pa ng isang maliit na internet café at under the saya ng GF niya.

Sinabi ni Jennica na pagdating sa lovelife, mas conservative siya sa nanay niya. Mas matagal siyang magpasya bago tuluyang mag-decide kung kanino makikipag-relasyon.

“Napaka-conservative ko sa paggawa ng desisyon dahil hindi lamang ang sarili ko ang iniisip ko kundi maging ang magiging reaksiyon ng family ko, lalo na ang daddy ko na palagi akong pinapag-ingat sa pakiki­pagrelasyon,” paliwanag ng young star.

Marami ang nagtatanong kung ano ba ang Jejemom? Ako, ang tanging alam ko, hindi ko maintindihan ang text na jejemon style, at kesa pahirapan ko ang sarili ko, ayaw kong mag-text in general, tumatawag na lang ako. Pinagsabihan ko rin ang buong pamilya ko na huwag akong i-jejemon sa text dahil hindi ko naiintindihan. Sa palabas na ito ng GMA Network, mabibigyang linaw ang maraming hindi natin naiintindihan tungkol sa kultura ng jejemon, kaya siguro dapat nating panoorin. Para kahit paano ay makakasabay tayo sa tugtog nila.

* * *

Pagdating talaga sa kopyahan hindi pahuhuli ang Pilipinas. Magkakaroon ng mala-Glee tayong serye sa TV na gagawin ng ABS-CBN at may titulong Idol na magtatampok kina Sarah Geronimo, Sam Milby, Coco Martin, with Zsa Zsa Padilla, Agot Isidro, Jessa Zaragoza, Malou de Guzman, K Bro­sas, Neil Ryan Sese, at Robert Seña.

Ngayon lalabas na ang talagang marurunong kumantang Kapamilya artists dahil mga kumakanta lamang ang miyembro ng cast.

At sa ASAP XV ngayong Linggo, mapapanood sa unang pagkakataon ang full trailer ng Idol. Ka­sama ang pagpapakilala sa iba pang members ng cast.

* * *

Talagang dapat tutukan n’yo ang Showbiz Central ngayong hapon dahil magsasalita ang ina ni James Yap sa kauna-unahang pagkakataon. Matagal nang tinatanong ng lahat kung bakit wala ni isa mang ginagawang pagtatanggol ang asawa ni Kris Aquino hinggil sa isyu ng kanilang hiwalayang mag-asawa kaya hindi na nakatiis ang ina, ito na ang magsasalita in defense of her son. O, ’di ba kaabang-abang? Iba naman sa karaniwang si Kris ang nagsasalita, it’s James’ mother’s turn.

vuukle comment

AGOT ISIDRO

ALWYN UYTINGCO

DAHIL

JEJEMOM

JENNICA

KUNG

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with