^

PSN Showbiz

Kris bugbog na bugbog na!

-

MANILA, Philippines - Palibhasa walang malaking issue sa showbiz kaya si Kris Aquino na lang ang bida sa lahat ng usapan.

Grabe na ang mga balita tungkol sa kanya. Hindi siya tinatantanan. Pati trabaho niya, pinaghihimasukan na.

Hindi ko naman siya friend, pero parang too much na.

Lahat ng anggulo, bugbog na bugbog na siya. Lahat may opinion.

Isang factor na tinitira sa kanya ay sa programang Pilipinas Win na Win.

At least si Kris, madaldal lang at parang nami-miss ang pagiging talk show host dahil ang tagal mag-interview sa contestant. Pero hindi siya bastos sa kausap sa programa. Hindi nanunupalpal, walang panunumbat at ang pinaka-importante, hindi nanghihipo.

Saka hindi naman gagawin ng Dos ang nasabing programa kung alam nilang walang magandang fu­ture.

Kung nakuha man ni James Yap ang simpatya ng tao, hindi naman lahat. Hindi lahat ng opinion ay nasusulat.

* * *

Sinasabing kapag “ex” na, hindi na dapat balikan – lalung-lalo na kung hindi naging maganda ang hiwalayan at siyempre, kung may panibago nang minamahal sa kasalukuyan. Sa kaso ni JM (Aga Muhlach), muling nag-krus ang landas nila ng kanyang magandang ex-girlfriend at minahal niya ng lubos na si Bea (Megan Young) pagkalipas ng limang taon mula nang kanselahin nito ang kasal nilang dalawa. Nahirapang makabangon si JM sa sitwasyong ito na naka-apekto sa kanyang pagtingin sa pag-ibig at sa mundo. Pati ang trabaho at relasyon sa ibang tao ay nabago dahil dito.

Nang muling makita ni JM si Bea, hindi niya maintindihan kung bakit parang may nararamdaman pa rin siyang pagtingin para rito. Walang commitment sa ngayon si JM kaya naman mabilis itong nalito nang muling makita ang dating kasintahan. Ang masakit nga lang para kay JM, engaged na si Bea sa ibang lalaki.

Si Kringkring (AiAi delas Alas) naman, hindi man sinasadya ay may ibang kabaitang ipinapakita ngayon kay JM kaya parang napapalapit ang loob ng binata sa kanya. Mas napapansin na tuloy ni JM si Kringkring sa kanyang mabuting kalooban na naging daan para sa isang magandang pagkakaibigan nila.

Ngayong Sabado, sasagutin kung - muling made-develop si JM sa dating kasintahan na si Bea, at kung muling made-develop si Bea sa dating boyfriend na si JM? O baka naman kay Kringkring madevelop itong si JM na nangungulila ngayon sa pagmamahal at atensiyon? Malay Mo Madevelop!

vuukle comment

AGA MUHLACH

BEA

JAMES YAP

KRINGKRING

KRIS AQUINO

KUNG

LAHAT

MALAY MO MADEVELOP

MEGAN YOUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with