^

PSN Showbiz

Mga artista ng TV5 galing lahat sa Dos at Syete

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Katuwa ang mga artista ng TV5 dahil kung hin­di galing ng ABS-CBN, galing sa GMA 7. Sila Ariel & Mave­rick lang yata ang talagang nagsimula sa Ka­pa­tid network noong ABC-5 pa ito, pero lumipat din sila sandali sa Kapuso Network at bumalik lang sa TV5.

Sa TV5 launch, nabalitaan naming inunahan ni Amy Perez ang ABS-CBN, bago pa siya sinabi­hang mag-resign sa TV show at radio show niya, nag-resign na raw ito. Bukod sa Face to Face, bibig­yan pa raw ng ibang show si Amy ng TV5.

 “Taga-TV5 na ako,” ang sabi ni Rainier Cas­tillo. Una siyang mapapanood sa Celebrity Edi­tion ng Talentadong Pinoy, sa birthday episode ng host na si Ryan Agoncillo. Sa Tues­day na ang taping ni Rainier at makaka­samang guests sina Paolo Be­diones to play the keyboard, Jan Nieto na mag­papakita ng husay sa judo, Rosanna Roces na mag­da-drums. Hindi namin naitanong kung ano ang gagawin ni Rainier.

* * *

Nabasa namin sa Twitter account ni Heart Evan­gelista na magre-renew siya ng kontrata sa GMA Network at laging may bagong balita sa Par­ty Pilipinas. Kasama si Heart sa grupong Glam Girls na kinabibilangan nina Lovi Poe, Carla Abel­lana, Bianca King at Rhian Ramos.

Wala na ang Cover Girls dahil pang-SOP ‘yun at pinalitan na ng Glam Girls. Ina­lis na rin si Glaiza de Castro, inilipat sa ibang grupo at ipinasok si Rhian Ra­mos. Tiniyak sa amin na magugus­tuhan ng viewers ang Glam Girls na iba-iba raw ang ipakikita every week.

Still on Heart, after Party Pilipinas, isang drama ang gagawin niya sa GMA 7, papalit sa First Time, pero wala pang title at wala pang detalye dahil ipi-pre­sent palang sa management.

* * *

Nakita namin si direk Mark Reyes sa TV5 launch sa World Trade Center, pero bago pa namin siya maintrigang lilipat ng network, inunahan na kami sa pag-a-announce na Kapuso pa rin siya. May negosyo lang daw siyang inaasikaso kaya siya nasa TV5 launch.

Tsinika ni direk Mark na may five days pa bago ma­tapos ang shooting nina Marian Rivera at Ding­dong Dantes ng movie nilang You To Me Are Everything at dahil sa May 12 pa ang play­date ng pelikula. Next week, aakyat daw uli sila sa Ifugao para sa iba pang eksena nina Marian at Dingdong.

Inalam namin kay direk Mark kung siya rin ang magdidirek ng Endless Love nina Marian at Ding­dong? “Hindi! Ang Odessa ang gagawin ko at Love Bug, wala rin akong ba­li­ta kung sino ang magiging director ng dalawa.”

Ang Love Bug ang papalit sa Dear Friend at ang alam naman ni direk na bida ng Odessa ay si Rhian Ramos na obviously ay telefantaserye.

* * *

Hindi makapaniwala, pero tuwang-tuwa ang mga bida ng First Time na sina Barbie Forteza, Jake Vargas at Joshua Dionisio sa balitang ang next show nila ay pang-primetime na uli. Excited ang mga bagets sa magandang balitang ito at lalo raw nilang gagalingan ang kanilang trabaho para hindi magsawa ang GMA 7 sa pagbibigay sa kanila ng big projects.

Ang tsika pa, makakasama nila ang Ultimate Male and Female winners ng StarStruck V na sina Steven Silva at Sarah Lahbati at baka sa­mahan din ng iba pang galing sa SSV.

Bale ba, kakausap palang namin kay Enzo Pine­da at wish pa rin nitong sila ni Sarah ang ga­wing magka-love team sa project na ibibigay sa kanila ng network. 

vuukle comment

AMY PEREZ

ANG LOVE BUG

BARBIE FORTEZA

BIANCA KING

CARLA ABEL

CELEBRITY EDI

FIRST TIME

GLAM GIRLS

RHIAN RAMOS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with