^

PSN Showbiz

Diva huling show na ni Regine sa GMA 7

- SEEN SCENE -

Seen : Dapat i-reinvent ni Kris Lawrence ang sarili. Nawalan na siya ng mga free publicity magmula nang maghiwalay sila ni Katrina Halili. Kailangan nang magpahinga si Kris sa paggamit ng mga sumbrero.

Scene : Magiging panandalian ang kasikatan ni Melissa Cantiveros ng PBB kung hindi niya aawatin ang pagiging OA. May ilang naiinis sa mga kaartehan ni Melai.

Seen : Ang first taping day ni Regine Velasquez para sa Diva noong Lunes. Ang Diva ang kauna-unahang musikaserye ng GMA 7 at maaaring huling primetime show ni Regine sa Kapuso network.

Scene : May “color coding” sa fans ng Final V na nagnanais panoorin ang huling gabi ng Starstruck V sa Linggo. Pinagsusuot ng kulay asul ang fans ni Enzo Pineda, purple ang mga tagahanga ni Rocco Nacino, yellow ang Sarah Lahbati fans, orange ang supporters ni Diva Montelaba at berde ang fans ni Steven Silva.

Seen : Ang statement ni Pokwang na isa lang ang karapat-dapat na reyna sa kaharian at si Ai Ai delas Alas lamang ‘yon, hindi siya o si Melai. Alam ni Pokwang kung saan siya lulugar.

Scene : RGutz7 ang alias na ginamit nang nag-post sa Youtube noong Valentine’s Day ng “ jet ski ride video” ni Richard Gutierrez.

Seen : Ginagawang big deal ang pagsakay sa MRT ni Shalani Soledad nang bumisita ito sa isang publication office. Si Edu Manzano ang ilan sa maraming celebrity na sumasakay sa MRT upang makaiwas sa trapik tuwing rush hour.

Scene : Pansamantalang huminto sa kanilang word war ang ina at lola ni Charice. Nakaramdam sila ng kahihiyan dahil napanood sa buong mundo ang kanilang cheap na pag-aaway dahil sa salapi.

vuukle comment

AI AI

ANG DIVA

DIVA MONTELABA

EDU MANZANO

ENZO PINEDA

FINAL V

KATRINA HALILI

KRIS LAWRENCE

MELAI

MELISSA CANTIVEROS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with