^

PSN Showbiz

Hayden Kho tumangging 'nagpakamatay'

- SEEN SCENE -

Seen : Ang pagharap kahapon ni Hayden Kho, Jr. sa mga TV crew upang pabulaanan ang balita na nagtangka siyang magpakamatay. Nagpainterbyu si Hayden sa opisina ng kanyang abogado sa Origas Center, Pasig City.

Scene : Ang paghagulgol ng iyak ni Eula Valdez sa interbyu sa kanya ni Toni Gonzaga sa PBB Double Up. Naging emosyonal si Eula dahil gusto nang mag-voluntary exit sa PBB house ng kanyang boyfriend na si Rocky Salumbides. Sobrang payat ni Eula. Kamukha na siya ng nasirang singer na si Didith Reyes. Napanood kagabi ang pagdalaw ni Eula sa kanyang boyfriend sa loob ng PBB House. “Masuwerte ako dahil hindi lahat ng tao minamahal tulad ng pagmamahal na binibigay niya sa akin.”

Seen : Si Jackie Lou Blanco sa Podium Mall. Si Jackie ang namamahala sa kanyang business sa Podium, ang Sueno De Espadrilles.

Scene : Nakatakda sa January 17, 2010 ang kasal ni Ciara Anna Sotto sa kanyang boyfriend na si Jojo Oconer.

Seen : Ang panghihinayang ni Bianca King dahil hindi siya nagtaray nang ilabas ni Suzette Ranillo ang kanyang mga gamit mula sa tent ni Krista Ranillo sa set ng Wapakman.

Scene : Magwawakas bukas ng gabi ang Stairway To Heaven. Kasabay ng pagwawakas ng Stairway To Heaven ang pagkamatay ni Jodi, ang papel na ginagampanan ni Rhian Ramos.

Seen : Ang cast party ng Mano Po 6 sa penthouse ng Century Imperial Palace noong Martes ng gabi.

Scene : Ang pahayag ni KC Concepcion na handa siyang iwanan ang showbiz ng anumang oras. Dapat matuto si KC sa karanasan ni Sharon Cuneta na nagdeklara noon na tatalikuran ang showbiz kapag tumuntong na siya sa edad na 30. Inamin ni Sharon na nagkamali siya ng pahayag.

vuukle comment

BIANCA KING

CENTURY IMPERIAL PALACE

CIARA ANNA SOTTO

DIDITH REYES

DOUBLE UP

EULA

EULA VALDEZ

HAYDEN KHO

JACKIE LOU BLANCO

STAIRWAY TO HEAVEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with