^

PSN Showbiz

Maja kinaiinggitan

RATED A - Aster Amoyo -

Mahigit isang linggo na ang lumipas matapos manalasa ang magkasunod na bagyong Ondoy at Pepeng, pero marami pa rin sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila at ibang lugar ng Pilipinas ang may baha at patuloy na nagdurusa sa kawalan ng pagkain, tubig, palikuran, damit, kumot, tulugan, gamot, at marami pang pangangailangan. 

Dahil siksikan ang mga evacuation centers, ma­rami na rin ang tinatamaan ng sakit. Ang nakakatuwa lang, marami pa rin talaga sa ating mga kababayan ang may busilak ang puso na tumutugon sa panga­ngailangan ng ating mga kababayan.

Napakalaking bagay ang ginagawa ng Sagip Kapamilya ng ABS-CBN at Kapuso Foundation ng GMA 7 at iba pang mga NGOs. Kung wala ang mga ito, paano na lang?

Marami rin sa ating mga showbiz personalities ang patuloy na tumutulong sa mga taong nasalanta. 

Aktibo rin ang KIDS Foundation ni Diether Ocampo na patuloy nangangalap ng mga donasyon na pagkaraka’y ipinamamahagi sa mga nasalanta.

Sa gitna ng unos at trahedya, likas pa rin talaga sa ating mga Pinoy ang pagiging matulungin.

* * *

Hindi natutuwa ang misis ni Eddie Gutierrez na si Annabelle Rama sa mga naninira sa kanyang anak na si Richard Gutierrez na isinuong ang buhay para lamang mailigtas sa tiyak na kapahamakan ang kapareha nito sa pelikulang Patient X na si Cristine Reyes.

Sa halip nga naman na purihin o ’di kaya matuwa ang mga tao sa ipinakitang kagitingan ni Richard ay binigyan pa ito ng hindi magandang kahulugan.

Bilang isang ina, aminado si Annabelle kung gaano ang kanyang nerbiyos dahil alam niyang delikado ang ginawa ng kanyang anak pero pigilan man nila ito ay desidido sa kanyang ginawa.

Bilang magulang, proud siya at ang kanyang pamilya sa ipinakitang tapang ni Richard kaya nasa­saktan siya sa tuwing makakarinig siya ng hindi magan­da sa ginawa ng kanyang binata.

* * *

Sumama ang loob sa akin ng anak kong si Aila Marie na kasalukuyang on her sem break from Tokyo, Japan, nang malaman niyang nakita namin ng per­sonal at malapitan ang Korean young sensation na si Kim Bum kamakailan lamang sa ipinatawag na presscon ng ABS-CBN para sa Boys Over Flowers star at sa homegrown talent ng Kapamilya network na si Maja Salvador na may kinalaman sa softdrink commercial na gagawin ng dalawa.

Maraming mga teenage girls (at kasama na rito si Aila) ang naiinggit kay Maja dahil naging malapit ito kay Kim.

Kung tutuusin, very untimely ang dating dito ng Korean actor dahil katatapos pa lamang ng bagyong Ondoy at parating naman noon ang bagyong Pepeng, pero hindi ito naging hadlang sa kanyang libu-libong tagahanga para abangan ang kanyang pagdating.

* * *

[email protected]

vuukle comment

AILA MARIE

ANNABELLE RAMA

BILANG

BOYS OVER FLOWERS

CRISTINE REYES

DIETHER OCAMPO

EDDIE GUTIERREZ

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with