^

PSN Showbiz

Paula Taylor ayaw patulan si Pia Guanio

RATED A - Aster Amoyo -

Hindi na yata mapipigilan ang pagiging movie producer ng “ultimate heartthrob” na si Piolo Pascual na muli niyang pinatunayan sa upcoming comedy flick na Kimmy Dora (Ang Kambal sa Kiyeme) na siyang magsisilbing launching movie ng mahusay na comedienne-TV host na si Eugene Domingo.

Sa unang pagkakataon, hindi haharap sa kamera ang award-winning at sikat na aktor kundi nasa likod lang siya bilang isa sa mga producers ng Spring Films na binubuo ng box-office director na si Joyce Bernal, ang kilalang choreographer na si Shayne Sarte at ang business manager na si Erickson Raymundo. Ang Spring Films ang nag-produce ng kauna-unahang lead movie ni Uge (Eugene). At sa halip na si Piolo ang maging kapareha ni Uge sa kanyang launching movie ay isang equally handsome at popular actor ang ipinareha sa kanya, si Dingdong Dantes.

Doble ang kaligayahang nadarama ni Uge dahil bukod sa launching movie niya ang Kimmy Dora, may leading man na ubod ng guwapo at sikat din, bukod pa siyempre na mga bossing ng pelikula sina Piolo, direk Joyce, Shayne, at Erickson.

“I am so blessed!” deklara ni Uge.

“Never, kahit sa panaginip, ay inisip kong makakapareha ko ang love ni Darna (Marian Rivera) na si Dingdong,” natatawa niyang pahayag. “Tapos si Papa Piolo pa ang isa sa mga producers at si direk Joyce ang nag-direk at co-producer ng movie. Honestly, hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na nangyayari ito sa akin ngayon.”

Ang Kimmy Dora (Ang Kambal sa Kiyeme) ay palabas na simula Sept. 2.

* * *

Nakararanas na rin ng mga intriga ang Thai-British model-turned actress na si Paula Taylor na kesyo inaagaw niya ang kanyang leading man sa Love Online (LOL) na si Vic Sotto sa kasintahan nitong si Pia Guanio pero ayaw niya itong patulan dahil alam naman niya ang totoo. Dinenay din ni Paula na boyfriend niya si Marc Nelson kundi kaibigan lang.

Ayon sa kanya, wala umano siyang boyfriend at magiging unfair naman daw sa guy dahil parati siyang nasa biyahe.

Hindi ikinakaila ni Paula na nag-enjoy siya sa movie nila ni Vic na bossing na rin ang kanyang tawag.

Wala man ni katiting na patak ng dugo ng isang Pilipino kay Paula, madali itong maka-adapt sa kultura ng mga Pinoy. Thai ang kanyang ina, Briton ang kanyang ama at sa Australia naman siya lumaki at madalas naman siya rito sa Pilipinas.

 “I love your country,” aniya.

vuukle comment

ANG KAMBAL

ANG KIMMY DORA

ANG SPRING FILMS

DINGDONG DANTES

ERICKSON RAYMUNDO

EUGENE DOMINGO

JOYCE BERNAL

KIMMY DORA

KIYEME

PAULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with