^

PSN Showbiz

Panawagang mag-resign dumarami, Willie Revillame binira ng spokesperson ng pamilya Aquino

-

MANILA, Philippines - Lumalakas at dumarami ang panawagang patawan ng kaukulang parusa ang host ng Wowowee na si Willie Revillame na kinabibilangan ng panghihikayat sa mga advertiser na iboykot ang kanyang show.

Maging sa internet, nagkaroon na rin ng signature drive para manawagan sa ABS-CBN na tanggalin bilang host ng Wowowee si Revillame dahil sa paglapastangan niya sa burol ni dating Pangulong Corazon Aquino noong Lunes.

Umani ng mga batikos si Revillame nang ipahinto niya ang live coverage sa burol ni Aquino na isinasabay sa programa ng Wowowee. 

Sumunod na bumatikos ang pamilya ni Aquino sa pamamagitan ng tagapagsalita nilang si DeeDee Sytangco na nagsabing isang kalapastanganan sa alaala ng pinakamamahal nilang si Cory ang ginawa ni Revillame.

Sa internet, binibira si Revillame ng mga gumagamit ng Facebook social networking site. May mga nagsasabing kawalang-galang, napakasama at istupido ang naging aksyon ng naturang host.

“Napakabastos ng ginawa niya sa telebisyon. Walang pakiramdam. Kinokondena ko ito,” sabi ng isang online commentator. 

Ang ilan ay sinisisi ang ABS-CBN dahil pinayagan pa nitong ipalabas ang Wowowee habang ipinuprusisyon ang labi ni Aquino.

Sa internet pa rin, may nangalap na ng 10,225 pirma para hikayatin ang management ng ABS-CBN na parusahan si Revillame dahil sa pagiging arogante at pagpapakita ng masamang halimbawa sa mga kabataan.

Hinikayat din ng mga petisyuner ang mga advertiser na iboykot ang Wowowee hanggang sa matanggal bilang host nito si Revillame. 

vuukle comment

AQUINO

CORAZON AQUINO

FACEBOOK

HINIKAYAT

KINOKONDENA

LUMALAKAS

REVILLAME

WILLIE REVILLAME

WOWOWEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with