Sam gumagaling ang acting
Ilan sa ating mga artista ay tapos na ng medical course: From nursing (Juan Rodrigo) to optometry (Dan Fernandez) to dentistry (Vivian Foz) pero bukod-tangi ang mga singers na sina Kuh Ledesma (also a nursing graduate) at Nonoy Zuñiga (nagtapos ng medicine) have chosen a different career path malayo sa dapat sana’y mga trabaho nila, and yet have been successful in their respective singing endeavors.
Exact opposite naman ito ng gustong patunayan ni Dr. Manny Calayan who, I suppose, is already a successful cosmetic surgeon na gusto pang pasukin ang larangan ng pagkanta! While Manny has every right to exercise his artistic freedom, ano ba talaga ang nais niyang mangyari sa buhay niya? Ginamit lang ba niyang pasaporte ang showbiz via his medical expertise para sa kalaun-launan naman pala’y matupad ang ilusyon niyang maging singer?
“Career crisis” ba ang tawag dito?
***
Ang next item kong ito tungkol kay Jan Manual ay hindi extension ng Da Who ng Startalk, bagama’t nahihirapan pa rin ang publiko in connecting the name to the face, and vice versa.
But what appears most evident ay ang pagiging plastik ng Starstruck avenger na ito, particularly to some members of the press na noong una’y pinapakitaan niya ng kunu-kunong friendliness dahil naisusulat siya tungkol sa kanyang mga raket sa GMA 7.
Ang siste, ’pag natatapos na pala ang project niya sa naturang istasyon, ang mga pangalan ng mga reporters na ini-store niya sa phonebook ng kanyang cellphone ay binubura na niya. Ito yung reporter na nilalambing-lambing niya noon, kapalit ang pangakong bibigyan niya ang mga ito ng mga medicated soap courtesy ng kanyang doctor-manager.
Dinig ko that at present, there looms a falling-out between Jan and his manager. Surely, kawalan ng utang na loob ng talented yet struggling actor na ito ang dahilan kung bakit may problema sila. Also, this very well explains kung bakit nakatengga ang byuti ni Jan, na sayang ang pagpo-project… wala namang project!
Well, what goes around comes around.
***
Five weeks to go na lang ang Only You, today’s audience’s choice for the most delicious primetime fare, and the highest-rating to boot. Fifteen weeks lang pala ang itatagal nito as stipulated in the ABS-CBN contract with the Korean producer.
With Only You getting to be more exciting with five weeks left, isa rin sa inaabangan ng mga tagasubaybay nito ay si Diether Ocampo whose health condition recently hugged showbiz headlines.
Equally interesting siyempre ay ang malaking improvement sa akting ni Sam Milby who, like Diether, plays Angel Locsin’s love interest.
Samantala, maraming projects ang naka-line up for Sam, na masasabing an avalanche of blessings for his hard work and dedication.
- Latest






















