^

PSN Showbiz

Utol ni Robin na-Ativan

-

MANILA, Philippines – Walang malay at bukas pa ang zipper ng suot na pantalon nang matagpuan ng mga awtoridad sa loob ng kanyang sasakyan ang kapatid ni Robin Padilla na si Royette Padilla kahapon ng madaling araw sa Parañaque City.

Akala ni Alex Baja ng mobile patrol ng PEA na nakatulog lamang sa kalasingan si Royette sa Ford E150 na may plakang XBL-278 sa may Uniwide Coastal Mall ng 4:30 ng madaling araw at nang hindi magising ay dinala na ito sa San Juan De Dios Hospital.

Nakilala lamang si Royette, residente ng Lenningrad St., BF Homes, Parañaque City, nang matuklasang naka-rehistro sa pangalan ni Robin ang minamanehong sasakyan.

Pasado alas-onse kahapon nang tanghali nang magkamalay ang aktor at kaagad na hinanap ang kanyang pinsan na si Omar Padilla at asawa na kasama umano niya sa naturang sasakyan.

Hindi na rin maalala ni Royette kung papaano siya napunta sa naturang lugar kaya malaki ang hinala ng pulisya na nabiktima ng Ativan Gang ang dating aktor matapos matuklasan na natangay na rin ang kanyang cellphone at wallet na naglalaman ng umano’y P30,000 cash.

Ang Ativan Gang ay may modus operandi   na ang gawain ay nilululong muna sa droga ang kanilang mga binibiktima bago nililimasan. (Lordeth Bonilla)


vuukle comment

ALEX BAJA

ANG ATIVAN GANG

ATIVAN GANG

LENNINGRAD ST.

LORDETH BONILLA

OMAR PADILLA

ROBIN PADILLA

ROYETTE

ROYETTE PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with