^

PSN Showbiz

Superheroes magmamatyag!

-

Ang pelikulang Watchmen ay isang masalimuot na kasay­sa­yan na ginamitan ng estilong sapin-sapin o “multi-layered” ng pakikipagsapalaran ng mga superheroes sa isang alter­natibong Amerika sa taong 1985 na ang mga naka-costume na super­heroes ay bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ng Esta­dos Uni­dos kung saan ang Doomsday Clock ang laging nag­babadya nang tunggalian ng Amerika at ng Rusya patungo sa hatinggabi ng buhay.

Nang ang isa sa mga dating kasamahang superhero ni Rorschach (Jackie Earle Haley) ay paslangin ng mga ’di naki­lalang mga kaaway, nagpasya siyang siyasatin ang maitim na planong ito na pinaniniwalaan niyang isang uri ng pagsira sa dangal ng mga superheroes ng kasalukuyan at ng nakaraan.

Gumaganap bilang mga pangunahing maskaradong bayani sa pelikula sina Malin Akerman (27 Dresses) bilang si Laurie Jupiter, alyas Silk Spectre II; Billy Crudup (The Good Shepherd) bilang si Jon Osterman, alyas Dr. Manhattan; Matthew Goode (Match Point) bilang si Adrian Veidt, alyas Ozymandias; Carla Gugino (Night at the Museum) bilang si Sally Jupiter, alyas Silk Spectre; ang Oscar nominee na si Jackie Earle Haley (Little Children) bilang si Walter Kovacs, alyas Rorschach; Jeffrey Dean Morgan (Grey’s Anatomy) bilang si Edward Blake, alyas The Comedian; at si Patrick Wilson (Little Children) bilang si Dan Dreiberg, alyas Nite Owl II.

Ang Watchmen ay dinirihe ni Zach Snyder (300) at pinrod­yus nina Lawrence Gordon, Lloyd Levin at Deborah Sny­der. Ito ay ipinamamahagi ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation. Palabas na sa mga paboritong sinehan simula sa March 6.

vuukle comment

ADRIAN VEIDT

ALYAS

AMERIKA

ANG WATCHMEN

BILANG

JACKIE EARLE HALEY

LITTLE CHILDREN

SHY

SILK SPECTRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with