^

PSN Showbiz

Dra. Belo lumipad pa-Amerika

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Mama Salve, mamayang gabi ang victory party ng When I Met U. Natagalan ang victory party dahil na­ging busy sina KC Concepcion at Richard Gutierrez.

Ang victory party eh bilang pasasalamat sa mga sumuporta sa When I Met U.

Itataon sana noong Valentine’s Day ang victory party pero hindi nga natuloy dahil may conflict sa schedule ng cast ng pelikula.

* * *

Hindi natuloy ang lunch date namin ni Dra. Vicki Belo noong Martes dahil sa isang personal na dahilan.

Pumunta siya kahapon sa Amerika kaya matagal pa bago kami muling magkita kaya nag-usap na lang kami sa telepono.

Naintindihan ko ang paliwanag ni Mama Vicki tungkol sa kanyang statement sa Showbiz Central na ikinasama ng loob ni Boy Abunda.

Lumaki lang ang isyu dahil nabigyan nga ng malis­ya porke dati nang may tampuhan ang dalawa pero kung magkaibigan sila, pagtatawanan lang nina Mama Vicki at Boy ang linya na ikinaloka ng madlang-people.

Pareho kong kaibigan sina Mama Vicki at Boy. Kung ako ang tatanungin, gusto ko na magkasundo sila, kung hindi man ngayon, sa darating na panahon.

Siguro naman, mas marami silang pinagsamahan na maganda noon na puwedeng makahigit sa tam­puhan na nangyayari sa kanila ngayon debah?

* * *

Nang magpunta noon si Mama Vicki sa Amerika, siya ang pinag-uusapan dahil sa maingay na break-up nila ni Hayden Kho.

Ngayong aalis si Mama Vicki papunta sa USA, siya uli ang pinag-uusapan dahil sa sinabi niya tungkol kay Boy.

Hindi lang yata ako ang nakapansin na parang mga artista na rin ang mga doktor dahil nakikipag-agawan na rin sila ng space sa mga entertainment column. Unfair na ‘ha?

* * *

Hindi ko napanood ang guesting ni Mama Vicki sa Showbiz Central noong Linggo dahil nagsimba ako.

Hindi ko rin nakita ang sagot ni Boy sa SNN dahil maaga akong natulog pero may nagsabi sa akin na mapapanood ang mga video na na-miss ko sa Youtube.

Isa na lang ang problema ko, ignorante ako sa computer. Mapapanood ko lang ang mga video sa Youtube kung may magmagandang-loob na ipakita sa akin.

* * *

Congrats muna sa aking favorite singer-actress na si Sarah Geronimo dahil hit sa box-office ang You Changed My Life.

Hindi pa ako nanonood dahil ayokong makipagsabayan sa maraming tao at makipagsiksikan sa mga sinehan.

Nanonood ako ng sine para mag-relax at maaliw. Ngayon pa ba ako tatamarin na manod ng sine eh natanggap ko na ang MTRCB card mula kay Mama Con­soliza Laguardia?

Maraming-maraming salamat kay Mama Consoliza dahil hindi niya idinenay ang aking deputy card application.

Let’s face it. Malaking bagay ang deputy card dahil mahal na ang bayad sa sine. Hindi kasalanan ang magtipid, lalo na ngayon na may global economic crisis ‘no!

vuukle comment

AKO

AMERIKA

BOY ABUNDA

DAHIL

MAMA

MAMA VICKI

SHOWBIZ CENTRAL

WHEN I MET U

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with