^

PSN Showbiz

Pambababae ng aktor nabuking sa cellphone

-

Hindi careful ang actor na ito sa extra-curricular activities niya at sa cellphone pa na Christmas gift ng kanyang girlfriend nabuking na may iba siyang nobya. Ang tsika, naiwan ng actor ang cellphone niya nang may tumawag at dahil wala siya, sinagot ng GF niyang actress ang tawag at doon nalaman kung sino ang naghahanap sa boyfriend niya.

Nag-imbistiga ang actress at nalamang GF din ng boyfriend ang babae at matagal na ang relasyon ng dalawa. As in, pinagsabay sila at nang komprontahin, nag-deny ang actor, kaya ang babae ang kinausap ng actress at du’n lumabas ang totoo at agad siyang nakipag-break.

Ang masakit pa, akala ng actress hahabulin siya ng actor at magso-sorry, pero pinalipas nito ang ilang araw bago siya kausapin at makipag-balikan. Kaso, decided na ang actress na makipag-hiwalay at para madaling makalimot, mag-aabroad siya at ‘di mag­papaalam sa ex.

* * *

Nagsimula nang mag-taping si Sunshine Dizon para sa All About Eve, pero si Iza Calzado sa February 16, pa magti-taping. Hindi pa nito alam kung kailan ang exact airing nila at abangan na lang daw. Gaya ni Sunshine, ayaw panoorin ni Iza ang Korean novela at orig version ng AAE  para sariling version ng character ni Nicole ang kanyang gawin.

Wish din ni Iza na sa San Francisco, California sila mag-location, pero okey din sa kanya kung sa Singapore o sa ibang Asian countries sila mag-taping.

May kissing scene si Iza kina Alfred Vargas at Mark Anthony Fernandez, pero sa nabasa niyang script, isa lang ang kissing scene nila ni Alfred. Hindi na rin bago sa kanya ang kissing scene with Mark dahil nagawa na nila ito sa Impostora.

Bagay kay Iza ang short hair na style ni Celeste Tuviera. Nilinaw nitong hindi dahil sa break-up nila ni Jerry Garcia kaya siya nagpagupit, kundi para maiba ang hairstyle niya dahil matagal nang mahaba ang buhok niya.

* * *

Si Jomari Yllana ang naalala namin sa narinig na may ibang producer na gustong magdala rito kina David Cook at David Archuleta para sa back-to-back concert nila dito sa atin. Sa dyowa ni Pops Fernandez namin unang narinig na plano ng Fear­less Promotions na dalhin dito ang two Davids ng American Idol.

Anyway, kahit naman sino ang magdala rito kina David Cook at David Archuleta ay pasasalamatan ng fans nila dahil matagal na nilang gustong mapanood sa concert ang winner at runner-up ng Season 7 ng American Idol.

* * *

Sunud-sunod  ang launching ng TVC ng endorse­ments ni Marian Rivera at ‘di totoong ayaw na siyang kuning endorser. Pagkatapos ng Maxi-Peel, ini-launch kahapon ang TVC ng Natasha at iba pang product endorsements niya.

Samantala, sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, magagalit si Proserfina (Marian Rivera) sa pakikialam ni Homer (Dingdong Dantes) sa buhay niya at aalis uli ng mansion ang dalaga.

Magmamakaawa si Homer na ‘wag itong umalis, pero dedma si Proserfina na sa bintana at puno uli dadaan at mahuhulog siya. (Nitz Miralles)

vuukle comment

ALFRED VARGAS

ALL ABOUT EVE

AMERICAN IDOL

ANG BABAENG HINUGOT SA AKING TADYANG

CELESTE TUVIERA

DAVID ARCHULETA

DAVID COOK

DINGDONG DANTES

IZA

MARIAN RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with