^

PSN Showbiz

Sam Milby dumalaw sa set ng Kapuso

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Hindi ko alam ang explanation sa pagdalaw ni Sam Milby sa set ng Lalola. May nagpadala lang sa akin ng litrato na mukhang hindi retokado. Kasama ni Sam sa litrato sina Gladys Reyes, Angelika Dela Cruz, LJ Reyes, JC De Vera at Rhian Ramos.

Malalaman natin ang kasagutan dahil siguradong may magtatanong kay Sam sa agenda ng pagdalaw niya sa taping ng Lalola.

Wala naman akong nakikitang masama sa pagbisita niya kahit identified siya sa ABS-CBN. Malay natin kung close friend niya ang isa sa mga cast members ng Lalola. Hindi kasalanan ang magkaroon ng kaibigan na associated sa rival network ng Kapamilya station ‘no!

* * *

Nag-pictorial kahapon ang cast ng Totoy Bato sa isang studio ng GMA 7. Pinuntahan ng mga TV reporters ang pictorial dahil type nila na interbyuhin si Robin Padilla.

Ewan ko lang kung nakapagtanong ang mga reporters tungkol kay BB Gandang Hari dahil knows ko na ayaw ni Robin na magsalita tungkol sa kanyang kapatid na nagpalit ng identity.

Naiintindihan ko ang posisyon ni Robin. Puwedeng hindi pa siya ready na sagutin ang mga nakakaintrigang question tungkol kay BB.

* * *

Watch n’yo ngayong hapon ang Startalk dahil bongga ang interview namin kay Dr. Vicki Belo.

Nakumbinsi ko si Mama Vicki na magpainterbyu sa Startalk at Showbiz Central. In fairness, sinagot niya ang lahat ng mga tanong.

Imported ang interview dahil kinunan pa ito sa Peninsula Hong Kong. Take note, magkahiwalay ang interview ng Startalk at Showbiz Central kaya magkaiba ang anggulo. Maaanghang ang sinabi ni Mama Vicki at off-cam, tiniyak niya sa akin na totoong may souvenir video si...

O ayan ha, hindi ko binanggit ang pangalan ng girl na may video. Baka mag-react siya at ito pa ang maging dahilan para ilabas ni Mama Vicki ang ebidensya. Mapapahiya si girl dahil kitang-kita at malinaw ang ebidensya.

* * *

Thank you kay Mama Vicki dahil nagpaunlak siyang magpainterbyu sa Startalk at Showbiz Central.

Ayaw na talaga ni Mama Vicki na magsalita pero dahil friend ang turing niya sa akin, nakumbinsi ko siya na humarap sa kamera.

Bukas ang birthday ni Mama Vicki. Wala siya rito dahil pinili niya na pumunta sa Amerika para ‘hanapin’ ang kanyang sarili. Happy birthday Mama Vicki!

* * *

Magkikita kami ni Karylle sa first week ng February dahil inimbitahan ako ni Wilson Lee Flores ng Philippine Star at S Magazine.

Inimbitahan ako noon sa presscon ni Karylle nang mag-ober da bakod siya sa ABS-CBN pero hindi naman ako nakarating.

Matutuloy na ang pagkikita namin ni Karylle dahil sa imbitasyon ni Wilson. Hindi pa kami nagpapang-abot ng singer mula nang maghiwalay sila ni Dingdong Dantes.

   Nababasa ko na lang na gustong ligawan ni ganito at ganireng lalaki si Karylle. Ginagawa ang panliligaw at hindi ipinapang-press release! Huwag ninyong gamitin si Karylle para magkaroon kayo ng libreng publicity! Matalinong babae si Karylle. Hindi siya ang tipo ng babae na papasok kaagad sa isang relasyon, lalo na kung nasa healing period pa ang kanyang puso.

vuukle comment

ANGELIKA DELA CRUZ

DAHIL

KARYLLE

LALOLA

MAMA VICKI

SHOWBIZ CENTRAL

STARTALK

VICKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with