^

PSN Showbiz

Patrick may kinakasama na sa Amerika?

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Kitang-kita sa trailer ng Love Me Again ang grabeng sampal ni Angel Locsin kay Piolo Pascual. Kaya lang after ng unang sampal, na-blangko na si Angel kaya nakalimutan na raw niya ang kanyang next dialogue. Kaya ang nangyari, umabot sa halos take six ang nasabing eksena - meaning anim na beses ding natikman ni Piolo ang malakas na sampal ni Angel sa kanyang mukha. Ang ending, doon na-realize ni Piolo na mahirap talagang maging artista. “Ikaw na ang magkaroon ng pantal sa mukha,” sabi ni Piolo na nakangiti.

Bukod sa sampal, grabeng hirap din sa shooting ang inabot ng grupo nina Direk Rory Quintos sa Love Me Again lalo na nang dumayo sila sa Darwin, Australia. Tatlong crew lang daw kasi ang dala nila kaya wala silang choice kundi magtulung-tulong sa pagbibitbit ng mga gamit. “Kaya nga lumaki ang muscle ng mga artista ko rito,” joke ni Direk Rory dahil nagbitbit daw talaga kahit sila Piolo at Angel kaya talagang dusa ang inabot nila sa shooting nila.

Ang pinaka-matindi, nahulog sa kabayo ang mga bida. Buti na lang daw parehong athletic ang dalawa kaya walang masamang nangyari. “Araw-araw ipinagdarasal na wala naman sanang major accident na mangyari sa kanila,” susog ni Direk Rory. (Nag-training ng isang buwan sina Angel at Piolo ng pangangabayo bago ang actual shooting nila.)

Hindi raw kasi masyadong na-familiarize ang ginamit nilang kabayo sa Australia kesa sa ginamit nila sa shooting sa Bukidnon. In fact, ‘yung isa, mag-isang umuwi sa amo at ‘yung isa naman, hinahabol ‘yung isa pang kabayo. Ang siste parehong lalaki raw ang dalawang kabayo kaya natatawa si Angel habang nagkukuwento.

Actually, kita naman sa trailer na pinaghirapan nila ang pelikula na showing sa January 15, (Thursday) - hindi Wednesday na karaniwang simula ng pagpapalabas ng pelikula.

* * *

Mukhang malabo na raw talagang magkaayos sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia ayon sa isang source. Ang rason: may kinakasama na raw si Patrick sa Amerika na kasama niyang lumipad galing ng bansa kamakailan.

“Naku hindi na siya nagkakainteres na makita si Jennylyn, in love siya sa girl,” dagdag pa ng source.

Nauna nang nag-deklara si Jennylyn na kinali­mutan na niya ang ama ng kanyang anak.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

DIREK RORY

DIREK RORY QUINTOS

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

KAYA

LOVE ME AGAIN

PATRICK GARCIA

PIOLO

PIOLO PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with