^

PSN Showbiz

Kuripot na aktor allowance lang ibinibigay sa misis

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Kuwento ng isang impormante ay nakakaawa raw ang sitwasyon ng misis ng isang guwapong aktor. Hindi raw ito binibigyan ng sariling pera ng kanyang mister, kung anu-ano lang daw ang kailangang bilhin sa pang-araw-araw ang iniaabot niya sa babae.

Sa madaling salita ay namumulsikot ang aktor, allowance basis lang ang kanyang misis, walang sobra sa kanyang ibinibigay.

“Ang akala kasi ng marami, porke kumikita nang malaki yung actor, e nagpapasasa naman ang wife niya. Hindi kaya, ni hindi nga makapag-shopping man lang yung babae, dahil kasyang-kasya na panggastos lang nila sa bahay ang ibinibigay sa kanya.

“Wala siyang extra money, naiinggit nga siya sa mga asawa ng ibang artista, nakakapag-shopping sila, bumibiyahe pa nga sa ibang bansa, samantalang siya, hanggang allowance lang ang natitikman niya,” kuwento ng aming source.

At hindi lang yun, masyado rin daw makuwenta ang aktor na ito, bago pala siya magbigay uli ng pera sa kanyang misis ay kailangan muna niyang makita ang breakdown kung saan-saan napunta ang una niyang ibinigay na panggastos.

“True, masyado siyang makuwenta, ang bestfriend niya, calculator. Hindi yata siya mabubuhay nang wala yun, dahil sa kotse niya, sa bedroom niya, kahit saan, meron siyang calculator.

“Kung minsan nga, naiiyak na yung babae, nagsusumbong siya sa mga kasama nila sa bahay, napakakuripot daw kasi ng asawa niya,” patuloy na kuwento ng impormante.

Dati nang kilala sa pagiging boksingero (sarado ang mga palad) ang nasabing aktor, kahit nga ang kanyang mga kapatid kapag nanghihiram ng sasakyan sa kanya, kapag ibinalik ng mga ito ang kanyang kotse ay kailangang ibalik din ang sasakyan na may gasolinang kasukat nung kunin nila ang kotse.

“Ganun talaga siya katindi sa pera, napakakuripot niya, aanhin naman kaya niya ang pera niya, hindi naman niya yun madadala sa langit kapag namatay siya?” pangungunsensiya pa ng aming source.

Isang malabigang bading naman ang sumabat sa kuwentuhan, “Dati na siyang kuring (read: kuripot), pero mas naging kuring pa siguro siya ngayon, dahil naranasan niyang mahirapan nung tumira siya sa ibang bansa!”

Araw-gabi kasing nagtrabaho noon ang aktor sa ibang bansa, yun siguro ang dahilan kung bakit siya ganyan, ayaw na niyang magkandahirap pa uli sa pagkayod.

* * *

Tinapos na ni Gabby Concepcion ang serbisyo ng kanyang road manager na si Joy Gonzales, pera ang naging dahilan ng pagkasibak nito, hindi ibinigay ni Joy ang benta ng mga album CDs ng aktor na binibili ng mag-asawa niyang kaibigan.

Natural, dahil matagal nang hindi ipinadadala ng bumili ang payment, kinausap ito ni Gabby, nalaman ng aktor na nung ideliber pala ni Joy ang mga CDs ay binayaran din agad yun ng bumili.

Tinanggal na ni Gabby ang kanyang road manager dahil dun, pero meron pang kakambal na kuwento yun, masyado raw adelantado si Joy kaya naiinis na si Gabby noon pa.

Ngayon ay ipinagkakalat naman ni Joy na hindi raw maganda ang ugali ni Gabby at ng kanyang misis na si Ginbee, kuripot din daw si Gabby, dahil kapag magkakasama sila sa mga biyahe ay ni hindi man lang bumibili ng kahit anong pagkain si Gabby kahit gutom na gutom na sila.

“Sayang daw ang pera, tutal naman, kakain sila sa pupuntahan nila,” sabi ng source.

Kahit wala na kay Gabby ang road manager ay kailangan pa rin nitong panagutan ang halagang dinispalko nito. Nag-iiyak daw ngayon si Joy, gusto na raw nitong tapusin ang kanyang buhay, dahil sa nangyari sa kanila ni Gabby Concepcion.

vuukle comment

AKTOR

DAHIL

DATI

GABBY

GABBY CONCEPCION

KANYANG

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with