^

PSN Showbiz

May sabit na staff, karelasyon News anchor na may asawa may ginagawang milagro

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Sa isang departamento ng isang malaking network ay paboritong gawing pulutan ang tsismis tungkol sa relasyon ng isang news anchor at ng isang may posisyong staff dun.

Parehong pamilyado ang lalaki at ang babae, wala rito sa bansa ang asawa ng babae, kaya malayang nakapaglalaro ang daga habang wala ang pusa.

Lihim silang nagkikita sa labas, kapag nandun sila sa departamento ay nagdededmahan lang sila, parang magkatrabaho lang sila at kaswal na kaswal lang ang kanilang pakikitungo sa isa’t isa.

Kapag wala sa departamento ang dalawa ay wala silang ulo, talagang pinagpipistahan din ang kanilang relasyon, awang-awa ang marami sa mister ng babae na nagpapakahirap sa pagtatrabaho sa ibang bansa pero ang misis naman pala nito ay gumagawa ng milagro dito sa Pilipinas.

Supladita pa ang girl, nung minsang makarating sa kanya na pinagpipistahan sila ng news anchor ay sinita pa niya ang isang kasamahan niya sa departamento, pero nagkamali ng sinita ang babaeng inlab sa news anchor.

Matapang ang kanyang natapatan, narinig niya ang mga salitang ayaw niyang marinig kahit sa panaginip lang niya, sinabi sa kanya nito na kung ayaw niyang natsitsismis ay magpakatino siya.

Ang nakakaloka pa ay sumasama sa babae ang kanyang mga anak sa mismong departamento, kapag nakikita ng mga nandun ang mga bata, mas naaawa ang mga ito sa mga anak ng babae.

“Nakakaawa yung mga bata dahil wala silang kaalam-alam na ang nanay nila, gumagawa pala ng milagro habang wala rito ang tatay nila,” madalas sabihin ng kanilang mga kasamahan.

Alam kaya ng boss ng departamentong ‘yun ang milagrong ginagawa ng kanyang mga nasasakupan? Mabusisi ang nasabing bossing, pero mukhang mahina ang pang-amoy nito, dahil nakalusot ang isang milagro sa mismong tungki ng kanyang ilong.

* * *

Kulang ang kuwentong sinulat namin kahapon tungkol sa pagnanakaw sa komedyanang si Kitkat. Nung mag-report pala siya at ang kanyang mga kapamilya sa pulisya ay hindi pa niya alam na marami pang ibang kagamitang nawawala sa kanyang kuwarto.

Ang akala pala niya ay mga alahas at pera lang ang nawawala sa kanya, wala siyang kamalay-malay na pati pala ang kanyang airconditioning unit ay tinangay ng lalaki, sa pagkakalarawan ng mga nakakita ay parang naakyat-bahay gang ang komedyana.

Ibinigay na ni Kitkat pati ang address ng kanyang nakarelasyon ng anim na taon na si Alfred Lumanlan, taga-Pampanga pala ito, hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Kitkat na magagawa ng lalaki ang ganun sa kanya.

Five hundred thirty thousand daw ang kabu­uang halagang nakuha sa kanya ng lalaki, forty six pesos lang ang iniwan nito sa kanyang          ATM, kinuha rin nito ang lahat ng mga naipundar niyang alahas.

Sa ngayon, ayon sa komedyana, ay pinag­hahanap na ng mga otoridad ang lalaki. Kapag hindi pa raw ito nakita sa loob ng dalawang araw ay sasampahan na niya ito ng kaso.

“Nakakaawa si Kitkat, para siyang natulala. Parang kaya naman niyang tanggapin ang nanakawan man siya, ang hindi lang niya ma­tanggap, e, yung mismong boyfriend pa niya       ang kumatalo sa kanya.

“Imagine naman, six years is six years. Kilalang-kilala na nila ang isa’t isa nung lagay na yun, ha? Pero ano’ng nangyari? Kinatalo pa rin siya!

“Wala talagang nagagawang maganda sa buhay ang bisyo, nagkautang-utang kasi ‘yung lalaki dahil sa pagsusugal. Ayan tuloy, pati ang relasyon nila, e, nasira dahil sa pagbibisyo nung lalaki,” kuwento sa amin ng katrabahong bading ni Kitkat.

Maayos daw naman ang dating buhay ng lalaki, may maayos itong trabaho, hiwalay na ito sa kanyang misis kaya nag-live-in na sila ni Kitkat.

Nagulantang ang mga kaibigan nila sa nangyari kay Kitkat, marami sa mga ito ang ayaw maniwala sa report, baka raw naman ibang tao ang nagnakaw kay Kitkat.

vuukle comment

ALFRED LUMANLAN

KANYANG

KAPAG

KITKAT

LALAKI

LANG

NIYA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with