^

PSN Showbiz

Nancy Jane buntis daw

-

Hindi na masyadong mataray si Alessandra de Rossi. Nagbago na siya. Hindi exciting ang interview niya sa The Buzz kahapon na inabangan dahil akala namin, siya pa rin ang dating prangka at walang pakialam sa sasabihin ng iba. Pero tamed na siya, walang shocking na mga sagot kay Kris Aquino sa top ten questions.

Ang say ni Alessandra, ang nanay niya ang nagsabi sa kanya na maghinay-hinay sa mga sinasabi.

Actually, pareho sila ni Kris na ‘bumait’ pagdating sa intriga.

But anyway, maganda ‘yung bagong portion ng The Buzz na POV. Nagri-react sina Kris, Ruffa Gutierrez and Boy Abunda sa isang issue. Cute ang mga reactions nila.

* * *

Uy si Nancy Jane daw (dating Nancy Castiglione) ang naba-blind item na buntis na aktres ayon sa isang texter. Ayaw magbigay ng ibang detalye ng texter pero totoo raw yun.

Kung true nga ‘yun, nakakahinayang dahil nagsisimula pa lang siyang magka­roon ng singing career. Kasalukuyan na kasing napapanood sa MXY Channel ang first single sa kanyang debut album tapos heto at biglang may issue naman ng pagbubuntis niya.

Well, malalaman lang natin ang totoo kung aamin siya.

* * *

Twenty years na pala nang maging popular sa TV ang Iskul Bukol. Wala na ako actually na masyadong matandaan sa nasabing palabas pero naririnig ko noong pinag-uusapan ang nasabing sitcom tuwing Martes ng gabi na bida sina Vic Sotto bilang si Victor Ungasis, and good looking, kind and brainy tracher’s pet, Tito and Joey Escalera, and class bullies (Tito Sotto and Joey de Leon), andyan din si Miss Tapia, ang resident professor (Mely Tagasa) na may crush kay Joey, Bibeth, ang kaibigan ni Vic na opinionated (Bibeth Orteza), Mang Temi, ang operator ng school cafeteria, Anson, and campus darling na apple of the eye ni Vic. Riot bawat episode noon, ‘yun lang ang alam ko.

Pero ok lang. Dahil ngayon, isang pelikula na ang nasabing sitcom na humataw noong 1978 hanggang 1987. Mari-refresh na ang ating memorya ng Iskul Bukol.

At para umakma sa kasalukuyan panahon, modern na ang kuwento at estado sa buhay ng mga bida.

Babalik ang mga dating character nina Bibeth Orteza, Mely Tagasa at Anthony Roquel sa Iskul Bukol...20 Years After isa sa pelikulang kasali sa darating na Metro Manila Film Festival.

Kasama rin sa pelikula sina Ryan Agoncillo, Carlene Aguilar, Oyo Sotto, Francine Prieto at marami pang iba.

May special participation din si Megastar Sharon Cuneta.

Dinirek ito ni Tony Reyes at si Bibeth Orteza ang nagsulat ng script para sa OctoArts Films. (SVA)

vuukle comment

ALESSANDRA

ANTHONY ROQUEL

BIBETH ORTEZA

CARLENE AGUILAR

FRANCINE PRIETO

ISKUL BUKOL

KRIS AQUINO

MANG TEMI

MEGASTAR SHARON CUNETA

MELY TAGASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with