^

PSN Showbiz

Binibira ang kalaban ng nobyo sa pulitika

SHOWBIZ MISMO! - Cristy Fermin -

Isang hapon na nagpapatay-oras si Korina Sanchez at sumilip siya sa booth ng DZMM, kami ng kasamang Jobert Su­caldito ang naka-ere, pinakiusapan namin siyang umupo bilang aksidenteng panauhin namin sa Showbiz Mismo.

Malakas ang pro­grams nila ni Ted Fai­lon tuwing umaga sa DZMM, ang Tamba­lang Failon at San­chez, pero iba pa rin kapag panauhin lang ang isang anchor­woman na may ma­tinding paninindigan sa isang programang pang-showbiz.

Walang make-up si Korina, kaswal na kaswal lang siya, gusto nga pala naming ipa­alam  sa mga nagtata­nong na si Ate Koring lang ang nagme-make-up sa kanyang sarili.

“Nung una, napaka-dependent ko sa mga make-up artist, pino­problema ko ang itsura ko bago ako humarap sa mga camera for an interview.

“Pero di ba, may mga times na gahol na tayo sa oras yung kahit pag-jingle lang natin e, parang by appointment pa, dun na ako nagsi­mulang mag-isip na mag-aral nga akong mag-make-up!

“Bumili ako ng mga kaga­mitan ko, nagpa­gawa ako ng sarili kong box na may salamin at mga ilaw, kahit saan, dala-dala ko ang ma­laking make-up kit ko na yun!” sabi ng ma­galing at ma­tapang na an­chorwoman.

Sayang, sasan­da­ling panahon lang na naupo sa amin si Ate Koring dahil nandun na ang kanyang sundo, hindi tuloy namin siya natanong kung gaano katotoo ang kwento na palagi niyang binibira si Senator Manny Villar sa kanyang programa dahil ito ang magiging mahigpit na kalaban ni Senator Mar Roxas na boyfriend niya sa presidential elections sa 2010.

Sayang na sayang talaga ang pagkaka­taon.

*  *  *

Kahapon ay huma­rap na sa mga ma­nunulat ang kontro­bersiyal na manager ng napakakontro­ber­syal ding batang aktres na si Angel Locsin, ang kararating lang mula sa London na si Becky Aguila, para bigyang-linaw ang ka­liwa’t kanang tanong na ipinupukol sa kanila ng kanyang alaga.

Nitong mga naka­raang araw ay sinagot na rin ni Becky ang mga isyung kumakalat dito habang nasa Lon­don sila ng kanyang alaga, pero mukhang hindi sapat ang kan­yang mga sinabi, me­ron pa siyang dapat idagdag.

Kailangan nang magpakadiretso ni Becky, sa pagdating ba dito ni Angel sa su­sunod na Hu­we­bes ay magi­ging Kapa­milya na ito, hindi na nila pu­wedeng sabihin na inaayos pa ang mga doku­mento dahil gusto nang marinig ng pub­liko ang totoo.

Kailangan ding li­nawin ni Becky kung gaano kato­toong idi­nadamay na ng Siete pati ang iba pa niyang mga  alaga  sa ki­na­sasangkutan nilang hindi pag­kakain­tindi­han ng istasyon, na­nga­ngailangan ng di­retsong sagot ang mga ganung in­sinwasyon, alam naming maka­ka­yang sagutin ni Becky Agui­la ang mga ganung pam­bubusisi ng mga ma­nunulat.

Humaba na nang humaba ang kuwen­tong ito, pati mga taong hindi naman dapat madamay ay naisa­­sakripisyo na, ang kontrata pa lang ni Jennylyn Mercado ang nabibigyan ng linaw ngayon pero ang sa iba pa niyang alaga ay malabo pa rin kung ano ang kahihinatnan.

Nagtawagan na sa amin ang mga taga­hanga ni Jennylyn, matindi ang sentim­yento ng mga ito, ano raw naman ang kina­laman ng batang ak­tres sa problema ni Angel sa Siete para pati ito ay madamay na?

Sa pagkakaalam namin ay nilinaw na ng isang ehekutibo ng Siete ang senaryo, tuloy pa rin ang kon­trata ni Jennylyn sa network, bibigyan pa rin ito ng trabaho at walang katotohanan ang balitang buburahin ang batang aktres dahil lang sa alaga ito ni Becky Aguila.

Sana nga ay ganun ang mangyari, hindi tamang tingnan ang pagpapataw ng parusa kay Pedro sa isang kakulangan ni Juan, hindi dapat pairalin ang pagpepersonalan.

vuukle comment

ATE KORING

BECKY

BECKY AGUILA

LANG

SHY

SIETE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with