Glaiza, pang-best actress ang acting
Kasama sa Cinemalaya ang pelikula ni Glaiza de Castro na Still Life. Pinuri ang acting nito at sinabi ng ilang kritiko na pang-best actress award ito.
Tuwang-tuwa naman ang young actress dahil sa pamamagitan nito ay nahasa siya sa acting.
“Very proud ako na maging bahagi ng Cinemalaya na puro magagaling na artista ang kasama ko,” aniya.
Kaya sabi nga ni Tikoy Aguiluz na punung abala sa 9th Cinemanila Film Festival ay nakapanghihinayang na di mapanood ang mga palabas dito. Sayang ang event na pinaghandaang mabuti para sa screening ng Philippine award-winning films.
Angel, Estudyante na sa London
Nagsimula na ang klase ni Angel Locsin sa kursong fashion design sa London College of Fashion. Nagsisimula na ang klase ng aktres ng 10AM till
Blades Of Glory: Hagalpakan sa Katatawanan
Pasasakitin ang inyong tiyan sa katatawa nina Will Ferrell at Jon Heder sa bago nilang pelikula, Blades of Glory.
Magkalabang mortal ang dalawa, parehong kampeon sa male figure ice skating at minsang magpatas sila para sa unang premyo, hindi nila ito parehong matanggap. Pareho silang nagparunggitan, nauwi sa totohanang away sa harap ng publiko. Dahil dito, pareho silang binawian ng medalya at habang panahon na hindi na pinaglaro sa sports na kanilang hilig.
Tatlong taon at kalahati ang itinagal nila sa hindi paglalaro at ibang trabaho ang nakuha. Pero laging nasa puso nila ang figure ice skating. Pinagbati silang dalawa ni Coach (Craig T. Nelson) at isinali silang muli sa competitive figure ice skating. Sila ang una sa kasaysayan na parehong lalaki na magka-partner sa sports na iyon.
Isa sa producers ng pelikula ang komedyante ring si Ben Stiller. Kasama niya sina Stuart Cornfeld at John Jacobs. Dalawa ang director ng pelikula, sina Will Speck at Josh Gordon.
Ang Blades of Glory ay mula sa United International Pictures ng Solar Entertainment. Ipalalabas ito sa mga sinehan sa Metro Manila sa Agosto 8, 2007.
Blind Item May Ghost Singer ang Dancer
Nakatapos na ng album ang isang sikat na dancer na miyembro ng isang sikat na dance group. Maganda naman ang mga awitin na nakapaloob dun.
Kaso may nakapagsyete na hindi naman talaga boses ng singer-dancer ang ginamit kundi may ghost singer na ka-miyembro din ng dance group. Nagreklamo nga ang ghost singer dahil hindi man lang siya nabayaran ng manager dahil sa ginawang pag-awit para isalba ang seksing singer-dancer na buong akala ay siyang umawit at gumawa ng album.
- Latest
























