^

PSN Showbiz

Adult toys ni Asia ipino-protesta

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -
Napanood ko sa Startalk ang VTR interview ni Patrick Garcia at ang paghingi nito ng sorry kay Baby Briones, ang Startalk staff member na feeling nabastos nang pumunta siya sa set ng Super Twins para sa scheduled interview sa boyfriend ni Jennylyn Mercado.

Nakita ko ang sincerity ng apology ni Patrick at sino ba naman ako, para hindi siya patawarin, lalo na’t wala naman kaming personal na away.

Hindi rin naging mahirap sa akin ang humingi ng sorry kay Patrick kung nasaktan man siya sa mga pinagsasabi ko sa dzRH radio program ni Papa Deo Macalma.

Dala lamang ‘yon ng pagkaimbyerna ko dahil nalaman ko nga ang nangyari kay Baby nang sadyain nito si Patrick.

Nag-sorry at niyakap pa ni Patrick si Baby nang magkita sila. ‘Yung gesture na ‘yon ang naging dahilan para mag-apologize rin ako kay Patrick.
* * *
Knows na kaya ni Asia Agcaoili na nega ang reaksyon ng mga tao sa adult toys na ibinebenta niya?

Lait-to-the-max ang ipinatikim kay Asia ng mga konserbatibong Pinoy na hindi ma-take ang kanyang mga iniaalok na adult toys.

Ang hindi alam ng mga laitera at laitero, natutulungan nila ang negosyo ni Asia. Habang nilalait nila ang hitad, lalong dumarami ang naiintriga at bumibili ng kanyang adult products.

Ang nakakaloka lang, pati ang mukha ni Asia, pinipintasan nila. Napakagaganda ba ng mga laiterang ito kaya napakadali sa kanilang okrayin ang itsura ni Asia?
* * *
Mag-deny man si Sheree, mas marami ang naniniwala na boyfriend na niya si Gian Magdangal dahil madalas silang nakikita na nagde-date.

Puwedeng afraid si Sheree na aminin ang kanilang relasyon dahil sa balita na hindi boto sa kanya ang mga magulang ni Gian.

May magagawa ba ang nanay at tatay ni Gian kung si Sheree ang itinitibok ng puson este puso ng anak nila?

Mahilig talaga si Gian sa mga babaeng kakapiraso ang height o sa wikang Ingles, petite.

Si Aiza Marquez ang ex-girlfriend ni Gian. Tulad ni Sheree, petite si Aiza. Medyo malaki nga lang ng konti si Sheree kay Aiza na ex-girlfriend ni Danilo Barrios na ex-boyfriend ni Jaycee Parker. Ano ang connect?

Parehong member ng Viva Hotbabes sina Sheree at Jaycee. Kapalaran na yata ni Aiza na maging karelasyon ng mga Viva Hotbabes ang mga ex-boyfriend niya!
* * *
Gusto kong iparating sa PSN readers na sina Precy Mangaran, Bernardo Ramos at Russel Ibana na natanggap at nabasa ko na ang mga e-mail ninyo.

Na-excite nga ako sa mga e-mail ninyo dahil na-prove ko na marami pala talaga ang nagbabasa ng Pilipino Star NGAYON.

Type ni Precy na ipadala sa akin ang kanyang opinyon tungkol sa mga pulitiko. Tinatanong niya ako kung puwede ba raw? Sure, why not? Basta huwag lang libelous o below-the-belt ang mga opinyon ha?

Iba naman ang concern nina Russel at Bernardo na kapwa may mensahe na gustong iparating kay Joey de Leon. Wala kayong dapat ipag-alala dahil siguradong makararating kay Joey ang inyong mga pasabi.

Para sa ibang readers na may opinyon at gustong marinig ang kanilang boses, puwede kayong magpadala sa akin ng e-mail sa [email protected]. ‘Yun lang!

vuukle comment

AIZA

GIAN

KAY

SHEREE

VIVA HOTBABES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with