^

PSN Showbiz

Piolo, Sam, di interesado sa intriga sa kanila!

- Veronica R. Samio -
Napaka-cool ni Piolo Pascual habang sinasagot ang isyu tungkol sa kanila ni Sam Milby sa launching ng kanilang ASAP Live Presents.. Heartthrobs, isang pre-Valentine concert ng ASAP Music Label na pagkatapos ng kanilang matagumpay na debut album, ang "Hotsilog" ay nagdesisyong mag-full blast sa pamamagitan nga ng concert ng dalawa sa kanilang pinaka-machong male stars.

"Kung naniniwala ang ABS CBN dito, sana hindi na nila kami binigyan ng concert," ang matapang na wika ng magaling ding aktor who has learned to take such controversies in stride in contrast to Sam Milby na di pa marahil natututunan kung paano haharapin ang mga intriga na hatid ng kanyang trabaho.

In any case, sa Feb. 2 & 3 ang ASAP Live Presents... Heartthrobs na magaganap sa Music Museum na bukod sa pagkanta ay magpapamalas pa rin ng kanilang talino sa pagsayaw ang dalawang screen idols. Magiging ispesyal na panauhin nila si Pokwang at ilang surprised guests na ayaw pa nilang pangalanan.
* * *
Kung magpapatuloy ang swerte ni Juliana Palermo (marami at magaganda ang mga naging projects niya nung 2006), baka matupad pa rin ang mithiin niyang maka-penetrate sa Hollywood. Nagbakasyon lamang siya sa US nung Pasko para mag-rejuvenate at hindi niya inaasahan na sa tulong ng ilang kaibigan ay nakapag-guest pa siya sa Tyra Banks Show. Napanood ito dito sa atin sa cable channel at marami ang nagsasabing magandang exposure yun para sa kanya.

Sa kasalukuyan ay inaayos pa ni Juliana ang mga kinakailangan niyang materyales, tulad ng portfolio para siya makapagsimula sa Hollywood. Umuwi lamang siya para makapag-dubbing para sa Kasal Kasali Kasalo at Agent X44 na kung saan ay gumaganap siyang mortal na kaaway ni Vhong Navarro.

"Naka-two piece ako rito habang nakikipaglaban kay Vhong," inporma niya.

Inamin ni Juliana na wala siyang lovelife ngayon.

"Pero, di ako nalulungkot kahit wala akong bf. Masaya akong mag-isa," dagdag pa niya.
* * *
Darating ngayon ang Malaysian beauty queen na si Carrie Lee para sa taping ng Muli bilang kapareha ni Alfred Vargas. Ang Muli ay pinaka-bagong soap opera na co-produced ng Malaysian firm Creasian at GMA Network.

Bukod sa pagiging Miss Chinese Cosmos 2004, isang international beauty pageant, isa ring sikat na artista, host at model si Ms. Lee. Marunong ito ng English, Mandarin, Cantonese, Malay at Indonesian. Natututo na rin ito ng Tagalog dahil sa mga Pinoy na kasama niya sa produksyon.
* * *
Mula kay Rodel Fernando, ang balitang mapapalabas naman ngayong 8NG sa IBC 13 ang Ogie Alcasid Sings His Greatest Hits, ang concert ni Ogie sa Casino Filipino Parañaque recently. Guest niya si Lovi Poe. Handog ito ng Sarview Prods ni Ms. Josephine Saba.

May Valentine concert din si Ogie sa Music Museum, Peb. 13 & 14, 8NG.
* * *
[email protected]

vuukle comment

ALFRED VARGAS

CARRIE LEE

CASINO FILIPINO PARA

CENTER

JOSEPHINE SABA

LIVE PRESENTS

MUSIC MUSEUM

SAM MILBY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with