^

PSN Showbiz

Anne, nag-iiyak sa Australia dahil sa tsisimis sa kanya dito!

-
Pagkatapos ng blockbuster na Police Story ay muling nagbabalik si Jackie Chan sa January 6, 2007 para sa kakaibang role sa pelikulang Rob-B-Hood mula sa Viva International Pictures.  First time gumanap ng action star ng Hongkong bilang nanny o yaya ng kinidnap niyang sanggol na magiging daan para yumaman siya ng husto. 

Bakit Rob-B-Hood?  Born loser si Jackie sa movie, lumaking bum, sugarol kaya’t itinakwil ng magulang dahil sa kahihiyang dulot nito sa pamilya.  Napasama ang action hero sa isang sindikato at ang project ay kidnapin ang apo ng pinakamayamang tao sa bansa nila pero, nagbago ang plano.      

Sa ilang araw na kapiling ni Jackie ang sanggol ay wala siyang choice kundi tumayong yaya at siya ang nagpapalit ng diaper, nagpapakain, nagpapatahan kapag umiiyak at kung anik-anik pa.      

Naalala tuloy namin ang blockbuster movie na Three Men and A Baby na pawang macho ang naga-aalaga sa sanggol na natagpuan nila sa doorstep ng kanilang condo unit.              
* * *
Nabasa pala ni Anne Curtis ang mga naglabasang isyu tungkol sa gimmick na panliligaw sa kanya ni Erwin Genuino sa website at labis daw itong nasaktan.

Say ng kampo ni Anne, "Nasa Australia ang lola Anne mo at naloka sa nabasa sa internet, maski malayo siya, updated siya sa chismis sa showbiz, hayun, nagi-iyak, mali raw ‘yung paratang, nahihiya tuloy siya kay Erwin."

At sa pagbabalik ng aktres sa 1st week ng January ay handa raw niyang sagutin ang mga isyung naglabasan habang wala siya dahil nakakahiya kay Erwin na sobrang bait pa mandin sa kanya. –REGGEE BONOAN

vuukle comment

ANNE CURTIS

BAKIT ROB-B-HOOD

ERWIN

ERWIN GENUINO

JACKIE CHAN

NASA AUSTRALIA

POLICE STORY

THREE MEN AND A BABY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with