^

PSN Showbiz

Pulitika, hadlang sa pag-aasawa ni Jolina!

- Veronica R. Samio -
Dalawang buwan na palang nasa bansa ang boyfriend ni Jolina Magdangal na si Atty. Bebong Muñoz. Hindi ito dumating para dumalaw kay Jolina o paghandaan ang kanilang kasal. Bagaman at ayon kay Jolens ay pinag-uusapan na nila ito. Pero, wala pa silang exact date o details para rito.

"Hindi mapagsasabay ang kampanya sa pulitika at kasal," bungad ni Jolens sa press launch ng Hoooo U?, isang five week horror show ng GMA7 which stars Jolina with Marvin Agustin, Patrick Garcia, Teri Onor and Princess Violago. Magsisimula itong mapanood sa October 8 hanggang November 5, pagkatapos ng Mahiwagang Baul.

"Nagsimula na siyang (kami) maglibot sa Caloocan na kung saan ay plano niyang tumakbo bilang congressman. Di pa naman siya nangangampanya, ipinararamdam lamang sa mga taga-Caloocan ang gagawin niyang pagpasok sa pulitika," imporma ni Jolens.

Alam ba ni Jolens ang balak na ito ng kanyang boyfriend?

"It is inevitable, galing siya sa angkan ng mga pulitiko (Asistio). Kaya nga kahit nagtapos na siya ng abogasya sa UP ay kumuha pa rin siya ng public administration sa Columbia University. Alam talaga niya na darating ang araw na tulad ngayon na kailangan niyang pumasok ng pulitika."

Hindi ba siya natatakot na ginagamit siya ng boyfriend niya?

"Sino ba naman ang magtutulungan kundi kaming dalawa. Okey lang kung sasabihin ito ng tao," pagtatanggol pa niya.

Ang Hoooo U? ay tungkol sa limang magkakaibigan na inimbita para balikan ang lugar na kung saan ay nawala ang isa nilang kaibigan may 10 years na ang nakakaraan. Sama-sama nilang mararanasan ng ilang nakakatakot na karanasan at matututo silang harapin ang sarili nilang multo.
* * *
Mas Japanese talaga si Jun Hirano kaysa Pinoy. Ito ang impresyon na nakuha ko matapos ko siyang makausap ng ilang oras. Kaya naman pala nagpilit na siyang lumabas dahil lungkot na lungkot na siya at hinahanap ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang ina na siyang nagbunsod para siya mag-audition, sila ng ate niya, sa Pinoy Dream Academy. Pero, sa ibabaw ng lahat ng ito ang talagang na-miss niya ay ang girlfriend niyang si Mami na walong buwan na niyang karelasyon. Dahilan nga rito kung kaya wala ni isa mang kaiskwela siyang nagustuhan sa maikling panahon na inilagi niya sa PDA.

Maski na ngayong Oktubre 3 pa siya susundin ng kanyang ina ay inip na inip na siya pero alam niyang may mga bagay pa siya na dapat gawin dito, may mga shows pa na dapat niyang labasan.

Taga-Cavite ang kanyang ina, dalawang taon lang siya nang makipag-hiwalay ito sa kanyang amang Hapones. Ito ang sumusuporta sa kanilang tatlong magkakapatid, wala ni maliit mang sustento na nanggagaling sa kanyang ama. Sa kabila nito ay makakatapos na siya ng high school pero, nag-iisip pa siya kung magtutuloy siya mag kolehiyo.

Aware din si Jun na isa siya sa pinaka-popular na iskolar ng PDA pero hindi ito ang landas na gusto niyang tahakin tungo sa tagumpay. Sa paunti-unting pagi-Ingles at sa tulong ng dalawang interpreters, sinabi niya na gusto niyang paghirapan ang kanyang tagumpay. At mabigo man siya, okay lang sa kanya kapag pinaghirapan niya.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

ALAM

BEBONG MU

HOOOO U

JOLENS

KANYANG

NIYA

NIYANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with