^

PSN Showbiz

Respetadong singer, humihingi ng tribute!

-
Hindi ngayong taon at mas lalong hindi pa sa susunod na taon magpapakasal ng legal sina Diether Ocampo at Kristine Hermosa dahil marami pa raw silang plano bago magpakasal.

Naikwento ito sa amin ng taong malapit sa dalawa na pinag-uusapan na nila ang kasal, pero wala pa raw exact date at ang payo pa raw sa dalawang Star Magic talents ay sa ibang bansa sila magpakasal para hindi pagpiyestahan dito.

As of now ay tila tinuturuan ng actor ang mapapangasawa niya kung paano humawak ng negosyo at inumpisahan na niya ito sa Fix Salon sa Eastwood City na nasa pangalan na ni Kristine.

Dati na raw itong nakatayo, pero hindi gaanong kumikita dahil hindi rin yata gaanong naasikaso ng actor kaya ibinigay na niya ito sa aktres na ngayon daw ay labas-pasok na ang parukyano.

Nage-enjoy daw ngayon si Kristine sa pagnenegosyo at sa katunayan ay may mga uumpisahan pa ito na ayaw pang banggitin sa amin.

Nagsasama na sa iisang bubong sina Diether at Kristine pero kasama nila ang mommy ng actor. 

Sadyang hindi pa nagbubuntis si Kristine dahil hindi pa raw handang maging tatay uli si Diether, ini-enjoy daw muna nito ang anak niya sa isang non-showbiz girl na kwento rin sa amin ay guwapo at smart.
* * *
Nakakaawa naman ang respetadong female singer dahil kinakailangan pa niyang makiusap sa mga staff ng show ng isang network para bigyan siya ng tribute na siyang nauuso ngayon sa mga has been singers.

In fairness, deserving din naman na respetadong female singer na bigyan siya ng tribute dahil halos lahat ng kanta niya ay sumikat at tumatak sa buong mundo, pero dahil sa masyado siyang class kaya nahihirapan siyang abutin ng masa at ang audience niya everytime na may shows siya ay pawang nasa A and B crowd lang.

Say sa amin ng staff ng programa na nakausap ng assistant ng respetadong female singer ay, "Bibigyan din namin siya, pero hindi siguro ngayong taon kasi marami nang naka-line up, siyempre, mas uunahin namin ang talents namin na in fairness ay mas abot ng masa ang mga kanta nila."  Reggee Bonoan

vuukle comment

A AND B

DIETHER OCAMPO

EASTWOOD CITY

FIX SALON

KRISTINE

KRISTINE HERMOSA

REGGEE BONOAN

STAR MAGIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with