^

PSN Showbiz

Walang movie, kaya nagbabanda na lang ang award-winning young actor

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -
Mabuti naman at naisipan ni Lester Llansang na magbuo ng banda na tinawag nilang Liro. Kung mapapakinggan n’yo lang sila, makikitang magaling sila at mahusay ang kanilang showmanship.

Masusubaybayan n’yo ang kanilang banda sa programa ko dahil from time to time ay maggi-guest sila.
* * *
Hanggang ngayon hindi pa rin tinatantanan ng intriga sina Jericho Rosales at Heart Evangelista. Kagaya ng muling pagbuhay sa dating ugnayan nina Heart at John Estrada. Dapat sana huwag nang ungkatin ang anumang namagitan sa kanilang dalawa dahil nakaraan na ito at sila na ni Jericho ngayon. Kawawa naman si Jericho, matamlay na ang career, pati ba pag-ibig ay tatamlay din?
* * *
Muli na namang magdiriwang ng kanyang kaarawan si Gary Valenciano sa Aug 6. Paano ko ba naman makakalimutan ang birthday niya, samantalang lagi naming isini-celebrate ito sa programa ko. Nalulungkot nga lang ako dahil sa sobrang dami ng kanyang mga commitment ay bihira na siyang mag-guest ngayon sa Walang Tulugan. Sana minsan kapag libre siya ay makapasyal siya sa show.

Happy birthday my good friend!
* * *
Maganda ang naisip ng ABS-CBN na pagsamahin sila Dolphy at Susan Roces sa bagong bihis na John En Shirley. Sa pamamagitan ni Kitchie Benedicto kaya nakuha ng Dos ang serbisyo ni Susan.

Matindi ang cast ng nasabing program, nandyan si Dolphy, Maricel Soriano tapos dagdagan mo pa ng Susan Roces at iba pa.

Ang programang John En Shirley ay masasabing magandang regalo sa kaarawan nila Dolphy sa July 25, samantalang si Susan naman ay sa July 28, tapos ang airing ng kanilang John En Shirley ay sa July 29, di ba naman perfect timing talaga ang palabas?

vuukle comment

DOLPHY

GARY VALENCIANO

HEART EVANGELISTA

JERICHO ROSALES

JOHN EN SHIRLEY

JOHN ESTRADA

KITCHIE BENEDICTO

LESTER LLANSANG

SUSAN ROCES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with