Aiai, gustong alagaan si Mark Herras!
July 11, 2006 | 12:00am
Flattered si Mark Herras na nagwagwapuhan at type siyang alagaan ni Aiai delas Alas. Kaso, 19 years old pa lang siya at di 22 years old na siyang hanap ng comedienne sa lalaking mamahalin niya kaya, out na siya sa candidates. Nagkasama sila sa isang show at doon nakita ni Aiai na gwaping ang ka-loveteam ni Jennylyn Mercado.
Samantala, pasalamat si Mark na di apektado ang tambalan nila ni Jennylyn sa controversy nito with Jeremy Marquez at pagkaka-link kay Patrick Garcia. Matatag pa rin daw ang loveteam nila at rason para kunin sila ng Regal sa Eternity at Super Noypi ng MAQ. Ang unang pelikula ay showing sa August 30 at ang huliy entry sa Metro Manila Film Festival. Kapag na-feel niyang affected ang loveteam nila, kakausapin na niya ang dalaga.
"Pero, hindi ako makikialam sa lovelife niya. Papayuhan ko lang siya to be careful. So far, okey pa naman ang loveteam namin at maganda pa rin ang feedback ng I Luv NY. Suportado pa rin kami ng fans," wika nito.
Ang alam lang namin ay ang dahilan nang suspension ni Jackie pero, clueless kami sa offense ni Iwa. Saka, idine-deny nito sa presscon ng White Lady ang tungkol dito pero, di rin nasagot kung bakit wala siya sa SOP Gigsters.
Matagal nang di napapanood sa Gigsters si Jackie so, hindi lang one week ang suspension niya. Mas visible na tuloy sa kanila si Jana Roxas na third runner-up lang sa SS.
Pero, wag mag-alala si Gerry dahil malapit nang bumalik sa Pinas ang ate Polly niya (Jolina Magdangal) at ipaglalaban siya sa kasamaan ng kanilang kapatid. In fact, this week na babalik ng bansa si Polly. Kilig ito dahil susundan siya ni Albert (Marvin Agustin). NITZ MIRALLES
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended





















