Batang Lapid, gustong kapareha si Lovi
SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista () - June 29, 2006 - 12:00am
Matangkad at gwapo ang bunsong anak ni Sen. Lito Lapid at kapatid ni Gob. Mark. Palibhasa’y nanggaling sa angkan ng mga artista ay gusto rin ni Maynard na sumunod sa yapak ng ama at kapatid.

Natupad naman ang pangarap nito, kaya isinama sa Apoy Sa Dibdib ng Samar. Kasali rin ito sa Batas Militar na prodyus ng MTL Films. Ginampanan nito ang papel ni Jimbo, nakababatang kapatid ni Capt. Miguel Cortez (Mark).

Excited din si Maynard dahil makakasama siya sa Tatlong Baraha na entry ng Violett Films sa darating na Metro Manila Film Festival. Kasama pa rin niya ang ama at kapatid na gobernador.

Inamin ng baguhang aktor na matindi ang crush niya kay Lovi Poe dahil nagagandahan siya sa maamong mukha ng singer. Sakaling mabigyan ng malaking break balang araw at gawing bida ay pangarap niyang makapareha si Lovi. Kaya lang mas naka-concentrate yata ang magandang singer bilang recording artist. Hindi pa niya ito nakikilala ng personal.

Nag-aaral sa Angeles University si Maynard at kumukuha ng Management.

Maswerte siya dahil mismong ama nito ang nagtuturo sa kanya ng martial arts lalo na sa boksing-yung Lito Lapid style.

Jess Lapid, Tutor Sa Mga Underwater Fight Scenes Ni Angel

Maganda ang trailer ng Batas Militar at pulido ang pagkakagawa ng pelikula. Sa wakas, natupad na ang pangarap ni Jess Lapid Jr. na maging direktor sa pelikula. Nahasa na ito sa pagiging fight director ng mga sikat na artista gaya nina Edu Manzano, Cesar Montano at marami pang iba. Siya rin ang nagturo kay Angel Locsin sa mga underwater fight scenes nito sa Darna.

Noon pa dapat nagdidirek si Jess pero, ngayon lang nabigyan ng pagkakataon at maganda ang working relationship nito sa lahat ng artista niya.

"Mahalaga ang brainstorming ng mga artista at staff kung paano mapapaganda ang isang pelikula. Hindi daya ang action scenes lalo na sa manu-manong labanan dahil kinunan ko ng full shot habang nakikipagbakbakan si Gob. Mark sa mga kalaban. Ngayon naa-appreciate ko ang pagiging isang direktor at sana magtuluy-tuloy na ito," ani Jess.

Kumusta naman ang teamwork nila ni Mark?

"Kapag nagsusyuting kaming dalawa ay kaibigan ang turingan namin. Propesyonal naman ang aking pamangkin pagdating sa trabaho at wala kaming nasasayang na oras kaya tuluy-tuloy ang syuting. Walang naging aberya ika nga," dagdag pa nito.

Palabas na ito sa July 12 at iri-release ng Solar Entertainment.

BLIND ITEM: Nagpapahalik Sa Boobs

Mahilig pala sa body shot dare ang sexy actress na ito. Minsan kasi ay nagkaroon ito ng show. Napagtripan siya ng isang gwapong foreigner kung saan sumipsip ito ng lemon. Nag-shot din ng tequila at naglagay ng asin sa palad. Inilagay niya ang asin sa dibdib ng aktres at saka hinalikan ito.

Game naman ang seksing aktres habang nagkakatuwaan ang mga manonood ng show.

ANGEL LOCSIN ANGELES UNIVERSITY APOY SA DIBDIB BATAS MILITAR CESAR MONTANO EDU MANZANO LITO LAPID MAYNARD
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with