^

PSN Showbiz

Piolo, in love kay Rica!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Bukas na ang alis nina Piolo Pascual, Rica Peralejo at Pokwang for a two-week show sa Europe. Magpapaiwan sina Piolo at Rica dahil tutuloy sila sa pagbabakasyon na tatagal ng two weeks. Ang ganda ng ngiti ng actor nang biruin naming, siguro pagbalik nila’y on na sila.

Two weeks din niyang masosolo si Rica at maliligawan niya ito ng husto na walang mangingialam. Ang mommy lang ng actor ang kanilang kasama na I’m sure, hindi magiging killjoy.

Sabi ni Piolo, sa taping ng Sa Piling Mo sila naging close at mas nakilala niya si Rica. Gusto niya ang pagiging honest at kawalan nito ng inhibition at pati na ang pagiging maingay. Magkaibang-magkaiba ang kanilang ugali but obviously, hindi ito pinoproblema ni Piolo. Basta, in love siya tapos!

Sabay ng isyu sa kanila ni Rica ang tsika sa kanila ni Sam Milby na idinaan lang ni Piolo sa tawa. Inunahan na raw niya ito na mali-link sila’t madalas nakikita. Samuel pala ang tawag ni Piolo sa bago niyang kaibigan.
* * *
Ang Genesis Entertainment na ang nagma-manage ng career ni Karylle. Ang ama ng dalaga na si Dr. Modesto Tatlonghari ang may gusto nito na agad inaprubahan ni Zsazsa Padilla. Very happy si Angeli Pangilinan-Valenciano nang ibalita ang tungkol dito’t tiniyak na wala silang magiging problema sa dalaga.

In fairness, maganda’t kilala namin ang bagong manager ni Karylle. Hindi kami mahihirapan, "Pag gusto namin siyang ma-interview at ‘pag may isyung dapat sagutin. Hindi gaya noong hindi namin alam kung sino ang nagma-manage sa kanya at ang ending, tuwing may presscon at ‘pag aksidenteng nakikita sa GMA-7 lang namin siya nakakausap.

Ibinalita rin ni Angeli na may bagong show sa QTV 11 si Karylle. Hindi pa sila nakikipag-meeting kaya, ‘di alam ang concept, makakasama, director at kung kalian eere ang bagong show ni Karylle. As of now, sa SOP lang siya napapanood.
* * *
Nasa Turkey si Richard Gutierrez ngayon kasama ang parents and siblings para dalawin ang ate niyang si Ruffa Gutierrez-Bektas. Masayang magbabakasyon ang young actor dahil maganda ang rating ng Captain Barbell sa first week nitong airing. Wish nitong ma-sustain ang mataas na rating hanggang magtapos ang Pinoy Superhero para sa GMA-7.

Interesado ang viewers sa hirap na pagdadaanan ng character niya bilang si Teng at gagawin niya bilang Superhero. Ito’y kahit bina-bash sa Internet at show dahil kopya raw sa Smallville at pati mga eksena ay gayang-gaya.

Wala na namang night life si Richard dahil sa taping, maaga siyang natutulog para maagang dumadating sa taping na sa Batangas pa ginagawa. Tama ang sinabi ni Richard Gomez na deserving ang young actor sa blessings sa kanyang career dahil hard working at mabait.

Hindi nga namin alam kung bakit ang pangit ng impression ng iba kay Richard eh, isa ito sa pinakamabait na artistang nakilala namin. Always courteous, laging may time sa press at ‘di pa namin narinig nagsalita ng masama sa ibang artista.

vuukle comment

ANG GENESIS ENTERTAINMENT

ANGELI PANGILINAN-VALENCIANO

CAPTAIN BARBELL

DR. MODESTO TATLONGHARI

KARYLLE

NAMIN

PIOLO

RICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with