^

PSN Showbiz

Juday bawal nang makipaghalikan kay Piolo

-
Sanayin na ninyong panoorin si Judy Ann Santos na hindi nakikipag-halikan sa kanyang leading man. Dahil ba sa sobrang seloso ang kanyang boyfriend na si Ryan Agoncillo o kagustuhan na rin ito ni Ms. Santos who is bloomingly in love?

"I believe na tama lang ang ginawa kong desisyon na no more kissing scenes from now on sa aking mga pelikula. Sinimulan ko itong gawin in my last movie. Ang importante ay maganda ang istorya ng proyektong aking ginagampanan," she explains.

Katatapos lang mapanood si Juday sa Komiks season 2 ng ABS CBN. Lumabas siya sa Inday sa Balitaw na ang nag-portray noon ay si Maricel Soriano. May bwenas na dulot si Juday sa Komiks kaya’t another episode ang kanyang gagawin after Inday. Ito ay ang Super Gee (medyo corny sa pandinig pero hit ito noong araw) na pinagbidahan ni Nora Aunor.

Palibhasa’y mga top stars ang mga naunang gumanap sa mga komiks heroes kaya truly honored si Juday na siya ang pinili to intepret them for television. Nakasalalay talaga sa kasikatan ng istorya ang success ng Komiks dahil hindi kami gaanong sold sa casting sa ilang episodes na aming binanggit.

The only big and bankable star for the entire season ay si Judy Ann Santos. (Remy M Umerez)

vuukle comment

INDAY

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

KOMIKS

MARICEL SORIANO

MS. SANTOS

NORA AUNOR

REMY M UMEREZ

RYAN AGONCILLO

SUPER GEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with