^

PSN Showbiz

Bea Alonzo, magsasalita na sa suicide issue ng assistant director

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Kung si Angel Locsin pala ang masusunod, gusto na niyang magpa-release kay Becky Aguila as her manager. Pero hindi raw nag-agree si Becky kaya wala ring nagawa si Angel. Hindi naman daw puwedeng i-buy out ang contract ng young actress dahil aabot daw ito sa P20 million ayon sa source ng Baby Talk.

"Kaya nga ayaw na lang magsalita ni Angel dahil wala rin naman siyang choice," added my source.

Lately kasi ay iba na ang dialogue ni Angel. Iniiwasan na niyang pag-usapan ang tungkol sa nangyari sa kanila ng manager. Kung dati ay naiiyak siya sa pagi-explain kung anong nangyari sa kanila, iba na ang reaction niya. "Ngayon bawal na talaga siyang magsalita," pahabol ng source.

Hanggang December pa raw ang contract ni Angel sa manager.
* * *
Back to each other’s arms sina Ethel Booba and Alex Crisano. Kung last Saturday, nakatutok sa kanila ni Gwen Garci ang mga talk shows at sa boyfriend ni Gwen named Andrew Wolfe, last Sunday night sweet na naman sina Ethel at Alex. Kasama ni Ethel na dumating sa Navotas, kung saan nag-host siya sa Centennial celebration ng Municipality ng Navotas, si Alex.

As if walang nangyaring gulo last Saturday kung saan kasamang nag-guest ni Ethel ang mother niya para sagutin ang mga accusations sa kanya ni Gwen at ng boyfriend nito.

Umabot pa sila sa issue ng katsipan like tinawag ni Ethel na mukhang drug addict si Gwen samantalang sinabi naman ni Gwen na mukhang katulong si Ethel na pinagtanggol naman ng nanay.

Tapos ang ending, magre-reconcile din pala sila Ethel at Alex matapos nilang ibandera na nag-on din sila ni Andrew.

Kaya naman pala ini-emphasize ni Ethel na alam ni Andrew kung sino ang mahal niya.

Naku sana tapusin na nila ‘yang issue na ‘yan nakakasawa na rin, sa true lang. ‘Yan lang naman pala ang ending.
* * *
Ayaw mag-react ng isang source sa ABS-CBN tungkol sa issue kay Bea Alonzo at sa isang assistant director na nag-suicide daw dahil sa young actress.

Ayon sa source, ni hindi nga nila puwedeng pag-usapan sa loob ang issue at hindi puwedeng i-touch sa mga talk shows.

Matagal nang nagba-blind item ang issue na ‘to tungkol kay Bea.

Sa Tuesday night, magsasalita si Bea sa isang presscon para sagutin lahat ng issue.
* * *
Aminado si Bugz Daigo na dati siyang istambay sa Cebu bago siya nakasali sa StarStruck Nationwide Invasion ng GMA 7. Istambay as in jobless hanggang makapasa siya sa audition sa Cebu. Pagka-graduate daw kasi niya ng high school, hindi na siya nagkaroon ng chance na mag-college dahil sa kahirapan.

Bata pa raw kasi siya nang maghiwalay ang magulang niya. Nang tanungin nga siya kung nasaan na ang parents niya, wala ang sagot niya as if hindi na nagi-exist ang mga magulang niya. Hindi na raw kasi ni Bugz alam kung nasaan na ang mga ito although ang tatay niya raw nandito sa Manila kaya lang every elimination night lang siya pinupuntahan, every Sunday.

Ang kapatid niya lang na one year older than him ang kasama niya ngayon dito sa Manila since maging finalist siya sa StarStruck.

Anyway, singing and dancing ang talent niya nang mag-audition siya sa nasabing artista search. Pero mas comfortable daw siya sa dancing.

Eighteen years old siya at si Ms. Malou Choa-Fagar ang nagha-handle ng career niya as part ng make-over challenge ng mga kasali sa StarStruck Nationwide Invasion.

Aside from tita Malou, kasama sa mga nagha-handle sa siyam ng finalist sina Tito Douglas Quijano and Tita Lolit Solis.

Hawak ni Tito Dougs ang sinasabing mabigat na kalaban ni Bugz, si Marky Cielo na na nire-represent ang mga Igorot. Tubong Mt. Province kasi si Marky at siya ang choice ng mga ibang contestant na mananalo at lamang sa kanilang lahat.

Kahit nga si Bugz, nararamdaman niyang lamang si Marky. Pero hindi siya hopeless. May pakiramdam siyang lalaban siya lalo na nga’t kasama sa rason kung bakit siya sumali sa contest ay para makuha ang P1 million at mabilhan ng plane ticket ang kanyang lola na hanggang ngayon ay caregiver sa Amerika kahit 60 years old na ito. "Plane ticket po ang una kong bibilhin oras na mapanalunan ko ang P1 million," sabi Bugz.

"Matanda na kasi po siya, pero wala naman siyang magawa dahil kailangan pa rin niyang makapag-trabaho," he added. At ‘yung matitira raw if ever, isi-save niya para naman makag-aral siya ng kolehiyo.

Sa girls naman, malakas ang dating nina Arci Muñoz at Iwa Moto. Pareho silang alaga ni Tita Lolit.

Admitted si Arci na kung meron man siyang kinatatakutang makalaban sa finals, si Iwa ‘yun. Kasi raw sa lahat ng contestant, si Iwa lang ang tsinita kaya madaling matandaan ng viewers.

"Lahat po kasi kami matangkad at maputi, parang pare-pareho ang hitsura eh siya singkit kaya parang ang dali niyang matandaan," sabi ni Arci na isang Fil-Am at tubong Olonggapo.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail [email protected]

vuukle comment

ALEX

BUGZ

CENTER

GWEN

KUNG

NAMAN

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with