^

PSN Showbiz

May ulcer na si Kris!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Ulcer sa kanyang small intestine ang dahilan ng pagsusuka at pagka-ospital ni Kris Aquino sa Makati Medical Center kamakailan. Two weeks siyang under medication at pinaiiwas sa caffeine kaya, bawal siyang uminom ng kape at softdrinks.

Dala rin ng hindi regular meal ang pagkakasakit ng TV host-actress kaya, kailangan niyang kumain regularly and with matching fruits and vegetables for fiber.

Dusa nito si Kris na kilalang coffee drinker. Comfort drink yata niya ito. Naalala namin sa isa niyang presscon, in-endorse nito ang Coffee Bean and Tea sa T. Morato’t masarap daw ang kape. In-order pa niya ng kape ang press at siya ang namili ng flavor. Kaloka’t memoryado nito ang iba’t ibang flavor. Ganoon siya sa kaadik sa kape.

"Buti na lang at kahit papaano’y nakapag-pahinga rin si Kris dahil after mag-shoot ng TV commercial for her new product endorsement, tumuloy sila nina James Yap at anak na si Josh sa bakasyon. Bukas, December 28 ang kanilang balik.
* * *
Magkatambal sa Moments of Love sina Dion Ignacio at Isabel Oli. May mga nagri-react sa tila pagbi-build up ng GMA-7 sa kanila as loveteam. Hindi nila ma-imagine na naglalambingan ang dalawa dahil sa Sugo nakilala silang magkapatid.

May mga naniniwala ring hindi sila nag-klik sa mini-movie ng Sunsilk for the same reason. Pero, pasasaan ba’t masasanay din ang tao na sila’y magka-pareha dahil hindi sila tunay na magkapatid sa nabanggit naming adventure-fantasy.

Makakatulong sana na matanggap silang magka-pareha ang inamin ni Dion na crush niya si Isabel. Kaya lang, ayaw maniwala ng dalaga’t isip bata raw si Dion.

Wala pa palang advisory ang GMA Films sa playdate ng pelikula na sabi’y mala-Somewhere in Time ang tema. Bagay sana ito sa Valentine’s Day at bida pa ang real life lovers na sina Karylle at Dingdong Dantes.
* * *
Sabi ni Mariz, saling-pusa ang mga anak na sina Marella at Marie sa Lagot Ka Sa Kuya Ko. Konting pera at laruan ang ibinayad nilang mag-asawa sa mga anak.

Sa umpisa, si Marie lang ang nagka-interes na mag-join sa movie. Sa rehearsal, bigla raw nag-dialogue si Marella ng "Mommy, how about me? Kaya, agad na pinag-isipan ni Ronnie Ricketts ng babagay na role sa panganay nila.

Between the two, si Marie ang may inclination sa showbis at si Marella, Hollywood ang gustong pasukin at mas type maging singer kesa actress. Favorite raw nito sina Lindsay Lohan at Hillary Duff at mahilig magbasa ng magazines on Hollywood stars. Nang nasa Amerika sila’y nag-request na pumunta sila sa Beverly Hills at kanilang pinagbigyan. But for now, pag-aaral ang priority ng mga bata. Grade five si Marella at Grade 2 si Marie sa Centro Montessori.

Sa January 1, 2006 ang showing ng entry nina Ronnie at Mariz sa Metro Manila Film Festival. Kampante ang mag-asawa na susuportahan ng tao ang movie at babalik sa kanila ang P13 to P14 million budget nila sa pelikula.
* * *
Nag-text sa amin ang isang kaibigan na nag-ikot sa mga sinehan noong December 25. Wagi raw sa Promenade at Glorietta 4 ang Ako Legal Wife dahil laging SRO ang bawat screenings nito. Dagdag pa ng friend namin, sosi ang crowd na nanonood nito.

Kahit naman sa Robinson’s Galleria kung saan kami nanood ng Exodus at Enteng Kabisote, marami rin ang nanood sa ALW. For sure, natawa ang moviegoers sa kalokahan nina Zsazsa Padilla at Cherrie Pie Picache. Sa dalawa kami aliw na aliw at ‘di kami magugulat kung sila ang mananalong best actress at best supporting actress sa awards night sa January 6, 2006.

vuukle comment

AKO LEGAL WIFE

BEVERLY HILLS

CENTER

CENTRO MONTESSORI

CHERRIE PIE PICACHE

COFFEE BEAN AND TEA

DINGDONG DANTES

DION

MARELLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with