Young actor nahulihan ng marijuana
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis () - October 22, 2005 - 12:00am
Nahulihan pala ng marijuana ang isang young actor mga two weeks ago. As in caught in the act siyang may dalang marijuana ng mga pulis. Pero agad daw naayos - ipinakiusap ng magulang ng young actor na kung puwedeng ibalato na lang ang nangyari kaya walang nag-leak sa media.

Maging ang records daw ay na-delete kaya natakot ang mga reporter na naka-beat sa area kung saan nahulihan ng marijuana ang young actor dahil nawala na nga ang records.

Maging ang mga pulis daw ay ayaw nang magsalita.

Ang young actor na ito ay pinagdududahan ang gender. ‘Yun lang ang puwedeng clue.
* * *
Nag-win sa Cinemanila as best picture ang controversial digital movie na Tuli starring Desiree del Valle, Vanna Garcia and Carlo Aquino ng Digital Viva. Maging ang director nitong si Auraeus Solito ay nanalong best director for local film kaya siguro naman by this time ay na-appease na siya matapos putulan ng Viva ang pelikulang ginawa niya. Nag-emote kasi si Direk Solito na tanggalin na lang ang pangalan niya sa credits ng nasabing pelikula dahil nawala na raw ang essence ng movie matapos putulin ang maraming eksena.

Ilang beses kasing na-X ang pelikula ng MTRCB kaya nag-decide ang Viva na tanggalan ito ng ilang eksena dahil the following day, showing na dahil opening na ng Cinemanila.

Ang kunswelo lang ni Direk, binigyan siya ng uncut version ng movie na puwedeng ipalabas sa mga lugar like CCP or UP theater na hindi sakop ng MTRCB.
* * *
Ang dalawa sa biggest musical legends during the 70s, Teri de Sario at Joe Pizzulo ay darating sa Maynila next month para sa isang back-to-back concert guaranteed to bring its audience down memory lane sa November 19 sa Araneta Coliseum.

Si Teri De Sario ang golden voice ng mga kantang "Fallin," "Yes I’m Ready," "Ain’t Nothing Gonna Keep Me From You" and "It Takes A Man and A Woman." Si Joe Pizzulo naman ay very familiar ang voice dahil sa mga greatest hits na "Take This Love," "What Do We Mean To Each Other," "Never Gonna Let You Go," "Let’s Give A Little More This Time," "Rainbow’s End" among others.

Ang nasabing musical event, billed Back 2 Basics ay may special guests, sina Luke Mejares, Passage band and Nina.

Kakantahin ng dalawa ang lahat ng hit songs nila na naging malapit sa puso ng mga Pinoy.

In line with the concert, Teri has just released a compilation of his greatest collection (kasama ang above-mentioned repertoire) released under Warner Music Inc.

Maging ang compilation album ni Joe ay available din sa Warner Music at naka-schedule i-release by the end of the month.
* * *
Babalik sa Manila ang Barney and his friends. I’m sure, good news ito para sa mga bata na favorite ang purple superstar who has thrilled and wowed children hindi lang sa bansa kundi sa buong mundo sa kanilang singing and dancing. Sa pagbalik niya sa ‘Pinas, magkakaroon din siya ng pre-Christmas series of performances sa Araneta Coliseum from Dec. 16-21.

Billed Barney’s Musical Castle Asia Tour 2005, ang live musical shows features non stop fun and excitement as Barney and his friends BJ and Baby Bop set out on a quest that takes them through an enchanted forest and end up sa real castle. Show dates are on Dec. 16 (6:00 p.m.) Dec. 17-21 (1:00 p.m.) and 7:00 p.m.

Ang nasabing series ay produced ng Media Source Entertainment, ang same production na nagdala ng grupo sa bansa last year.

Ang kanilang television show na Barney and Friends ay ipinalalabas over 100 countries. Ang kanila namang video ay pinapanood all over again ng napakaraming bata sa buong mundo kung saan nakabenta na sila ng 44 million videos worldwide.

Tickets para sa Barney’s Musical Castle Asia Tour 2005 priced at P500, P900, P1,200 and P1,500. Available ito sa lahat ng SM Ticketnet outlets. For inquiries, please call 911-5555.
* * *
Nag-emote si Rizza Navales sa malamig na pagtanggap sa kanila nang manalo sila ni Jed Madella sa World Champions of Performing Arts (WCOPA) sa Hollywood, California kamakailan.

Nang bumalik daw sila ng bansa, walang masyadong fanfare kumpara sa ginawang pagsalubong sa boxing champion na si Manny Pacquiao and Miss International Precious Lara Quigaman and no one raised the hand of Rizza and Jed sa kanilang nakamit na karangalan.

Maging ang naging pagbisita nila sa Malacañang last September para i-present ang kanilang medals and trophies kay President Gloria Macapagal-Arroyo also happened without much fanfare and media coverage.

"Wala lang," sabi ni Rizza, referring to the Malacañang reception. "She (Pres. Arroyo) just congratulated us. There was no certificate (of recognition for us). Pinarangalan lang kami roon. They asked us to go up the stage and introduced us to the other guests there. Jed and I were wearing our medals. We also brought our trophies. Then they showed footage from our Hollywood performance."

Anyway, magkakaroon ng solo concert si Rizza - Rizza Navales-The Lady is a Champ sa RCBC Plaza sa Makati City sa Oct. 29 dahil gusto ng producer na si David So to herald Rizza’s triumph sa global arena and wants more Filipinos to share in her victory.

Guests niya sa nasabing concert sina Jed and Ladine Roxas, 2001 winner in the Voice of Asia competition, held yearly in Almati, Kazakhstan.
* * *
Nakita ng isang friend ko sina Jericho Rosales and Heart Evangelista sa Pricesmart The Fort. Feeling niya raw, may relasyon na talaga ang dalawa. "Kasi naman ang sweet nila. Tapos iisang push cart ang gamit nila. Eh hindi mo tuloy alam kong saan ref pupunta ‘yung mga gino-grocery nila," kuwento pa ng source.

Consistent ang issue na sila na nga. Na-develop daw ang relasyon no’ng time na nagti-taping sila ng Panday at bagay naman daw sila.
* * *
Sa episode ngayong Sabado ng Makuha Ka Sa Tikim, the mood is set for a lot of loving and cooking as television actresses Eula Valdez and Jean Garcia with comedian Eugene Domingo host the Aphrodisiac episode.

We all know naman how the cliche goes: the way to man’s heart is through his stomach. Love doctors, on the other hand, know something better - kung meron kang tamang love-potent ingredients, then you’ll all set na mag-concoct para makakuha ng pangarap n’yong papa. Ganyan ang mapapanood sa episode ng MKT featuring cooking divas na sina Stephanie Ramos, Susan Quimico and Gladys Estabillo ngayong umaga sa MKT sa ABS-CBN.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - salve@philstar.net.ph

ARANETA COLISEUM AURAEUS SOLITO BABY BOP BORDER CENTER MUSICAL CASTLE ASIA TOUR RIZZA
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with